Sharon babalik sa ABS-CBN pag super sexy na

SHARON CUNETA

SHARON CUNETA

Many were intrigued at what Sharon Cuneta posted on her Facebook account after celebrating her birthday last Jan. 6.

Sa isang photo niyang ipinost, isa itong quote from Paul Acampora, “It’s not running away when you’re going back home.”

Easily, ang naisip ng fans ni Mega ay magbabalik na siya sa Dos. Well, iyon din naman ang nabalitaan namin. Kalat na kalat na sa showbiz na anytime soon ay babalik na siya sa Kapamilya network.

Maraming Sharonians ang nasasabik na sa pagbabalik ng kanilang idolo sa TV. It’s quite a long time na rin kasi na hindi siya nakikita publicly.

Ang chika ni KC Concepcion sa presscon ng Exchange Gift, malaki na ang ipinayat ng kanyang mega mom. At ang kumakalat na chika, return of the jedi sa Dos ang magiging drama ni Sharon kapag seksing-seksi na siya.

Incidentally, kinabog pala ng Exchange Gift ang katapat nitong show. This means na may malaking following na ang KC-Paulo Avelino tandem. Also, tanggap na tanggap nan g televiewers ang tambalan ng dalawa.

Marami nga ang nakapuna na super kilig si KC during the media huddle for their soap. Her happiness was written all over her face as she answers questions from the press.

Now na nag-click ang tandem nila ni Paulo, bakit hindi kaya sila bigyan ng something they can work on together?

Read more...