Jennylyn may ‘K’ tawaging GMA Drama Queen

JENNYLYN MERCADO

JENNYLYN MERCADO

Magsisimula na nga sa darating na Lunes ang Second Chances sa GMA Telebabad sa pangunguna nina Raymart Santiago at Jennylyn Mercado sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Makakasama rin dito sina Roi Vinzon, Miriam Quiambao, Gerard Pizarras, Frencheska Farr, Diva Montelaba, Miggs Cuaderno, Joshen Bernardo at Chynna Ortaleza with the special participation of Luis Alandy, Jackie Rice, Glenda Garcia, Ayen Laurel at Ricky Davao.

Tungkol sa dalawang taong nagkatagpo sa gitna ng kanilang pagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang mga asawa ang Second Chances. Parehong namatayan ng mga mahal sa buhay sina Raymart at Jennylyn sa kuwento ngunit mababago bigla ang kanilang kapalaran nang magkrus ang kanilang landas at magkainlaban.

Sa trailer pa lang ng Second Chances ay marami na ang nagsabing dito muling patutunayan ni Jennylyn ang kanyang pagiging drama actress. Sey nga ng isang nakausap namin, kung may dapat tawaging drama queen sa GMA, siya na ‘yun!

Read more...