Kris ayaw nang sumali sa MMFF

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

Kasalukuyang ipinalalabas pa rin sa 148 na sinehan ang “Feng Shui” na nagtala na ng P222,572.763 as of Jan. 7, 2015 kaya naman kampante na ang isa sa producer nitong si Kris Aquino.

Kaya lang, hindi na pala sasali si Kris sa 2015 Metro Manila Film Festival dahil gusto raw niyang magpahinga muna, masyado raw siyang napagod sa “Feng Shui 2”.

Sabi ni Kris nang alamin namin bakit ayaw na niyang gumawa ng pelikula ngayong taon, “Ayoko munang mag-movie, Reggs, I want to prioritize my good health.”

At dahil dito, tagilid nang magawa ang pelikulang gagawin nila ni Derek Ramsay na ipoprodyus ng Regal Entertainment.

Read more...