Horoscope, January 08, 2015

Para sa may kaarawan ngayon:  Kung sadyang sayo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo yon ng kusa! Ngayong 2015 iwasan ang maluhong pamumuhay, mamuhay ng simple lang. Sa pag-ibig kusang iinit ang relasyon habang lumalamig ang panahon. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Huwag pang himasukan ang buhay ng iba. Sariling diskarte uunlad at yayaman ka. Sa pag-ibig, hayaan mo lang kung ano ang gusto ng kasuyo upang maiwasan ang diskusyon. Mapalad ang 6, 9, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kapag maganda ang kapaligiran lalo kang susuwertehin. Sa taong ito ng 2015 laging maglinis ng bahay at salid.  At kapag laging in love, mas maraming magagandang kapalarang darating. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Om.” Blue at red ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21)—Hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa kasosyong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 ang magpapayaman sayo sa taong ito ng 2014. Sa pag-ibig okey ang kapartner na Libra. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kung laging magsusuot ng green anoman ang iyong gawin tiyak na ikaw ay susuwertehin. At sa susunod namga araw  may malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, tuloy ang isang romantic at masarap na relasyon hatid ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig, ngunit sa salapi, nganga parin  – patuloy na kakapusin. Ang pinakamabuting gawin  mag-tipid. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap at pabili ng kung ano-anong bagay na wala namang kabuluhan.  Mapalad ang 4, 19, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa! Habang nagpapakabuti  lalong darami ang salapi at lalong sasarap ang pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Silver at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa taong ito ng 2015 lagi ka lang  lumagay sa tama at ipayapa ang isipan. Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at magkakaroon ng masayang pamumuhay.  Mapalad ang 6, 12, 18, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om.” Beige at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa taong ito ng 2015 ngingiti ang suwerte kung marunong kang magpatawad. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Sa pinansyal, upang bumalik ang mga kliyente at dumami ang kita, babaan mo lang ang presyo ng iyong paninda.  Mapalad ang 5, 17, 23, 26,  31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lolokohin. Sa pinansyal, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung magiging tapat sa sinomang ka-transaksyon at kausap.  Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Dahil malamig ang panahon ngayon uso ang sakit. Para maiwasan ang karamdaman, bumili at kumain ng maraming prutas at sariwang gulay. Idagdag mo na rin ang regular na sex at exercise upang lalong lumakas ang immune system. Mapalad ang 4, 19, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.”  Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa taong ito ng 2015 panatiliin ang positibong pag-iisip.  Yayaman ka, kung bago matulog hanggang sa makatulugan bigkasin ang ganitong kataga: “Yayaman ako….Ako’y yayaman! Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang nasabing orasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Om-Yasoda-Om.” Red at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa taong ito ng 2015 wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa ganyang paraan, mas magiging okey ang suyuan at mas malaking kita ng salapi ang kusang darating. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at red ang buenas.

Read more...