Mga Laro Ngayon
(JCSGO Gym)
12 n.n. Bread Story-LPU vs Wangs Basketball
2 p.m. Cebuana Lhuillier vs Café France
4 p.m. Cagayan Valley vs Tanduay Light
Team Standings: yHapee (9-0); yCagayan Valley (8-0); Café France (6-2); Jumbo Plastic (6-3); Cebuana Lhuillier (4-3); Tanduay Light (4-5); AMA (3-6); Wangs Basketball (2-5); Bread Story (2-5); MJM M-Builders (2-6); xRacal Motors (2-7); xMP Hotel (1-7)
y -semifinalists
x -eliminated
PAGLALABANAN ng Cebuana Lhuillier at Café France ang mahalagang insentibo habang manatiling buhay ang kampanya ang paiigtingin ng Bread Story-LPU at Wangs Basketball sa pagpapatuloy ngayon ng 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Unang magtutuos ang Pirates at Couriers sa ganap na alas-12 ng tanghali at ang mananalo ay magkakaroon pa ng hininga para maipagpatuloy ang kampanya sa liga.
Parehong may 2-5 baraha ang dalawang koponang ito ay dapat na walisin nila ang nalalabing apat na laro upang makahabol sa quarterfinals.
Ang ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon ay sa hanay ng Gems at Bakers para sa mahalagang twice-to-beat incentive sa quarterfinals.
Sa 6-2 baraha ay kailangan lamang ng Bakers na manalo para okupahan na ang isa sa dalawang insentibong ibibigay sa papangatlo at papang-apat sa pagtatapos ng elimination round.
Dalawang laro ang naipanalo ng koponan sa pagtatapos ng 2014 pero napahinga sila ng 20 araw, bagay na maaaring makaapekto sa kanilang manlalaro.
Hindi dapat na mangyari ito dahil ang Gems, na may 4-3 karta, ay kailangan ding manalo para manatiling buhay ang paghahabol sa insentibo.
Nasa ikalimang puwesto ang Gems pero kung manalo ay didikit sila sa isang laro sa magiging magkatabla sa ikatlo at ikaapat na puwesto na Bakers at pahingang Jumbo Plastic sa 6-3 baraha.