Charice sinisigurong pakakasalan si Alyssa: Mas excited pa nga ang magulang namin!

charice pempengco
MAS excited pa raw ang mga magulang at mga kapamilya nina Charice at Alyssa Quijano sa kanilang pagpapakasal.Ayon sa international singer, totoong napag-uusapan na nila ng kanyang girlfriend ang tungkol sa wedding, pero marami pa silang kailangang gawin sa ngayon para matupad ang mga pangarap nila.

Na-touch nga raw ang magdyowa nang mapanood ang short video na ginawa ni Joyce Bernal (isa sa mga ninang) para sa bagong kasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ipinalabas sa reception ng tinaguriang royal wedding noong Dec. 30.

Ayon kay Charice nang makachikahan namin sandali sa reception, “Very happy kami na nahanap nila ang true love nila. Kasi, napakasarap sa feeling kapag nahanap nila ang ‘the one.’ Kasi, sobrang nakaka-relate.

“Noong pinapanood namin ang video nila, masarap talaga sa feeling when you find your true love. Alam mo yung kahit na ano ang pinagdaanan nila before. Sabi ko nga, napaka-honest talaga ni Ate Marian, grabe!

“Nag-reveal talaga sila ng sensitive parts ng relationship nila. You know, that’s why masasabi mo talaga na sila na, sila na talaga. Sobrang nakaka-inspire, sobra!” sey pa ni Charice.

Inamin ng singer na seryoso na nilang pinag-uusapan ang tungkol sa kasal, “Oo naman, lalo na kapag uma-attend ng wedding, hindi mo maiiwasan. Kami nga (Alyssa), sabi namin, ang ganda ng wedding!

Ang ganda ng upuan! We talked about it. We talked about it all the time. “Feeling ko nga, mas excited pa ang parents namin kesa sa amin. Pero tulad nga ng sabi ko, nandoon pa kami sa stage na marami pa kaming dapat na i-accomplish in life.

“I want her to finish her studies. Gusto ko, kapag ikinasal kami, alam kong stable na yung mga kailangan namin. Tapos na yung responsibilities. Well, hindi matatapos ang responsibilities namin sa family namin, pero kapag dumating na yung point na kami naman.

“So, ayokong magsalita nang tapos. When you feel it, you feel it. Like yung nangyari sa kanila (Marian at Dingdong), they felt it, yun na. So, when we feel it, we’ll never know… baka bukas, yun na,” mahabang paliwanag pa ni Charice.

Nakikita na rin nina Charice at Alyssa ang kanilang mga sarili na nagsasama na parang tunay na mag-asawa, “Sa akin kasi, I can totally say na 100 percent sure. Kahit na wala pa kaming mga papers, papers, we both see each other.

Parang nandu’n na kami. Parang clear na talaga. Kumbaga, ganito na lang ang kulang (wedding), kumpleto na kami.”
Mas lamang ang bilib kesa inggit – yan naman ang komento ni Charice nang tanungin tungkol sa pagpapakasal nina Aiza

Suguerra at Liza Diño sa Amerika kamakailan na nakatikim din ng batikos mula sa mga kontra sa same sex marriage.
“Inggit? Siguro na-inspire kasi kasal na sila. At the same time, yun ang nagiging inspiration namin.

Nakaka-inspire kasi parang lahat tamang ano na…parang lahat settled na sila. Si Aiza, parang instant, meron na siya agad daughter, ‘di ba? Parang ang sarap sa feeling.

“Every time we see them, happy family. Kasal na sila. Sa U.S. pa nila ginawa, may ceremony pa sila. So kami, naniniwala ako, we will get there. We will definitely get there.

Ayoko lang magsalita nang tapos dahil ako yung tao na sabi ko sa kanya, kapag na-feel ko kasi napi-feel din niya.
“Yun ang maganda sa aming dalawa, we’re compatible, e. “Kapag napi-feel ko, napi-feel din niya at gagawin namin yun.”

Sa pagpasok ng 2015, mas magiging busy si Charice, at nangako siya na mas pagbubutihin pa niya this year, “Trabaho talaga. Trabaho, trabaho.  Actually, middle of January, aalis po ako.

Magpupunta po ako sa U.S. kasi nominated po ako sa four awards sa States.“Actually, nominated yung ‘Yakap,’ it’s a Tagalog song for Best International Song. Ang mga kalaban, whole world talaga.

They invited me to fly there and to perform,” aniya.

Read more...