Vice gagawa ng pelikula kasama sina Coco at Daniel

vice ganda
Dalawang pelikula agad ang gagawin ni Vice Ganda ngayong 2015. Ang una ay ang pelikula nila ni Coco Martin at ang pangalawa naman ay makakasama niya si Daniel Padilla.

“Ako magdadalawang movies ako this year. Yung una, ako and Coco. Tapos yung susunod ako and Daniel. Pina-finalize na yung mga details,” sey ni Vice.

“Si Coco ang nakaisip ng concept tapos tinawagan niya ako. Tapos nung pinresent niya sa Star Cinema in-approve. So sabi ko ‘yan na ang first movie ko sa 2015,” ani Vice.

Read more...