Karera kumita ng P8 bilyon sa 2014 | Bandera

Karera kumita ng P8 bilyon sa 2014

Mike Lee - January 08, 2015 - 12:00 PM

PUMALO sa mahigit P8 bilyon ang kinita ng Philippine horse racing industry sa taong 2014.

Ayon kay Philippine Racing Commission (Philracom) chairman Angel Lopez Castano Jr. patunay ito na tama ang programang inilatag ng kasalukuyang administrasyon.

Umabot sa P8,225,943,751 ang gross sales ng horse racing noong 2014 at ito ay mas mataas ng 5.73 percent kumpara noong 2013 na pumalo sa P7,780,482,078.

Huling umabot sa walong bilyon ang kita ng industriya ay noon pang 2007 nang ito ay nagkamal ng P8,883,379,737.

Maging ang buwis ng industriya sa taong ito ay mas malaki kumpara noong nakaraang taon dahil tinatayang nasa P1.32 bilyon ang taxes sa nagdaang taon. Nasa P1.31 bilyon ang buwis noong 2013.

Ipinaliwanag ni Castano na naabot ng Komisyon ang paglago dahil sa ilang inobasyon na ginawa dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng mga horse owners na nag-invest sa horse racing.

Lumabas na sa loob ng sampung buwan noong 2014 ay nahigitan nito ang kita noong 2013 para lumobo ang kanilang sales.

Positibo ang kita mula Enero hanggang Agosto at noong Hunyo naitala ang pinakamalaking pagtaas kumpara sa nasabing buwan noong 2013 dahil nasa P677,575,992 ang gross sales nito laban sa P574,003,844 dalawang taon ang nakalipas.

Mas mababa ang sales sa 2014 sa mga buwan ng Setyembre at Disyembre ngunit hindi na nito kinaya pang hatakin pababa ang magandang kita.

Samantala, sa kauna-unahang board meeting ng komisyon kahapon ay nagkasundo ang limang opisyal na bigyan ng citations ang mga taong nakatulong para pasiglahin ang 2014 horse racing.

Si Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Jr. ang ginawaran bilang Best Breeder at Owner; si Joseph Dyhengco at SC Stockfarms, Inc. bilang Most Promising Breeders; si Atty. Narciso Morales bilang Most Reputable Horseowner; si Jonathan Hernandez bilang Best Jockey; si Ruben Tupaz bilang Best Trainer; ang 6th Mayor Ramon D. Bagatsing Racing Festival bilang Most Successful Racing Festival at Manila Horsepower Inc. bilang Most Supportive Private Organization.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sina Lyndon Noel Guce, Eduardo Jose at Victor Tantoco ang iba pang kasapi ng Philracom board.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending