NAGWALA ang tagapagmana ng Korean Airlines, si Cho Hyun-ah, sa John F. Kennedy Airport sa New York nang sinilbihan siya ng macadamia nuts na nasa supot at hindi sa platito.
Pinagalitan ni Cho ang flight attendant, pinaluhod ito sa kanyang harapan at hindi pa nakontento, inutusan ang piloto ng Korean Airlines jet na ibaba sa eroplano ang nasabing flight attendant.
Si Cho ay educated sa America at nakapagtapos ng bachelor degree sa Cornell University at MBA sa University of Southern California.
Kung bakit nagawa ni Cho ang hindi kanais-nais na asal ay baka likas ito sa mga Koreano.
Dito sa ating bansa, maraming abusadong Koreano.
Bago ipinagbawal ni Pangulong Noy ang paggamit ng “wang-wang” ng mga sasakyang pribado, maraming Koreano na nahuli sa mga kalye at highway na nagpapatakbo ng paikis-ikis na gamit ang wang-wang.
Isang kaibigan kong babae na nagmamaneho ng kanyang kotse ay pinara ng mga Koreanong teenager na nakasakay sa kanilang kotse at dinuro-duro dahil mabagal daw siyang magpatakbo.
Apat na taon na ang nakararaan nang naipa-deport ng inyong lingkod ang isang lalaking Korean na tinulak-tulak ang isang babaeng customer sa kanyang computer shop sa Star Mall sa Mandaluyong.
Nakuha ng CCTV (closed circuit TV) camera ang buong pangyayari at ang video ay dinala ng babae sa “Isumbong mo kay Tulfo.”
Pero ang pinakagrabeng pang-aabuso sa ating hospitality ay nagawa ng isang Korean golfer noong 1998 sa golf course sa loob ng Subic Freeport sa Olongapo City .
Pinalo ng golf club ng Koreano ang kanyang umbrella girl sa walang malamang dahilan.
Nabali ang hip bone ng pobreng babae.
Nang magsumbong sa akin ang babae, siya’y hindi makalakad at inaalalayan upang makarating sa radio DWIZ sa Pasig City kung saan ako’y may opisina.
Nang aming pinuntahan ang International Hotel sa loob ng Subic Freeport, ang Koreano ay nakaalis na.
Of course, hindi lahat ng Koreano na dumadalaw o nakatira sa ating bansa ay mga abusado.
Isa na rito si Richard Moon, na nagmamay-ari ng ship manning agency kasama ang kanyang Pinay na maybahay na si Ethel.
Si Moon ay mabait sa kanyang mga empleyado. Siya ay magalang at mababa ang boses.
Kailangan sigurong pagsabihan ng ating mga immigration agents sa
NAIA ang mga dumarating na Koreano na dapat ay magpakatino sila habang sila’y nasa bansa.
May naging magandang ending sa istorya ng pagmamalabis ng Korean Airlines heiress na pabor sa flight attendant na inapi niya.
Si Cho ay pinag-resign sa kanyang puesto bilang executive vice president ng Korean Airlines.
Ang kanyang ama, na may-ari ng Korean Airlines and chairman of the board nito, made a public apology dahil sa asal ni Hyun-ah.
Nagpakita ng pagsisisi ang matanda sa hindi maganda na pagpapalaki niya kay Hyun-ah at tinawag niya itong “loka-loka.”
Kung naging Pinay si Cho, halimbawa, hihingi kaya ng patawad sa publiko ang kanyang mga magulang?
Parang hindi mangyayari kung ang ating pagbabasehan ay yung insidente sa Dasmariñas Village sa Makati noong Nov. 30, 2013.
Nag-convoy ang magkapatid na Makati Mayor Junjun Binay at Senadora Nancy papalabas ng Dasmariñas Village.
Hinarang ang convoy ng mga security guards sa isang gate ng “Dasma” at sinabing sarado na ang gate sa ganoong oras.
Sa halip na umikot na lang at lumabas sa ibang gate, bumaba sina Junjun at Nancy at pinagalitan ang mga sekyu.
Habang pinagagalitan ng magkapatid na Binay ang mga sekyu ay tinutukan naman ng kanilang mga security escorts ng mga high-powered firearms ang mga pobreng security guards na sumusunod lang sa utos ng Village administration.
Hindi pa nakontento, pinaaresto pa ni Junjun Binay ang mga guwardiya at ideneteyn ng ilang oras.
Sa halip na humingi ng patawad sa publiko dahil sa pang-aabuso ng kanyang mga anak, kinonsenti pa sila ni Vice President Jojo Binay.
Sinabi ni Vice President na kailangan daw na igalang ang mayor ng Makati.
“A little courtesy to the mayor, please,” sabi ng Vice President na konsentidor.