Walang kiyeme at kaartehan nitong sinagot ang aming mga tanong mula sa mga isyu tungkol sa kanyang pamilya hanggang sa kanyang pagiging respetadong artista.
BANDERA (B): Ano ang mga ginagawa mo kapag wala kang trabaho bilang governor ng Batangas? Kapag wala kang showbiz commitment?
VILMA SANTOS (VS): Kapag wala akong ginagawa sa Batangas, definitely, nasa bahay lang, family day naman. I stay home and I find time naman for myself. Ganu’n din pag walang mga showbiz commitments, talagang sa bahay lang kasama ang mga kapamilya at mahal sa buhay.
B: Do you have hobbies?
VS: Yeah. I go swimming. I do my taebo. Well, I am a TV freak, I love watching movies… what else? Yun, paikot-ikot sa ganun. I also exercise.
B: Favorite food?
VS: I still go for Japanese food. Mula noon hanggang ngayon ‘yun pa rin ang favorite ko.
B: Favorite book?
VS: I love yung “Chicken Soup for the Soul.”
B: TV show?
VS: Gusto ko pa rin ang mga local shows. Sariling atin muna. Yung mga drama-drama. Teleserye, fantaserye. Huwag mo na akong pabanggitin kahit isa dahil kung ano ang magustuhan ko, yun na yun!
B: Nag-i-Internet ka ba?
VS: I used to. Kausap ko yung mga Vilmanians sa Internet. Sa ganu’n lang kami nakakapag-communicate
nang matagal at may kalidad kumbaga. Global yun ha!
B: Anu-anong mga sites ang sine-surf mo?
VS: Yung sa grupo ng mga Vilmanians like yung yahoogroups nila. Pero ngayong naging busy ako, hindi ko pa halos nasasagot ang mga e-mails nila. Pero hintayin lang nila, magkakabalitaan din kami.
B: May Friendster o Facebook account ka ba?
VS: Wala akong Facebook o Friendster.
B: Gaano mo kadalas i-text ang mga loved ones? Nagte-text ka ba in the first place o mas madalas ang calls?
VS: Ah, text oo, magaling ako diyan. Masipag ako as pagte-text. Ako mismo ang sumasagot sa mga nagti-text sa akin. Makulit akong ka-text.
B: Nagde-date pa ba kayo ni Sec. Ralph Recto?
VS: Hmmm… kapag nasa Pilipinas seldom. But we see to it na may oras kaming magbyahe, mag-abroad. Du’n lang talaga kami nagkakaroon ng time for each other na kami lang talaga. Pero dahil election na naman, baka pahirapan na naman ang schedule. Maybe after the election saka kami aalis.
B: Secret sa matagal na pagsasama n’yo ni Ralph?
VS: Alam mo, suportahan lang, proper communication. 23 years na kami. Seven years together plus 15 years na kaming kasal since 1992.
B: Paano kayo mag-bonding ng iyong mga anak?
VS: We usually go out for dinner and watch a movie and then sometimes we stay home, we swim together, we eat together, we pray together. We play together pa rin until now.
B: Anu-ano ang ginagawa mo para mapanatili ang iyong kagandahan? Ang iyong youthful look?
VS: Alam ninyo naman hindi ko na-experience ang mga ganyan (beauty enhancement via surgery, lipo, botox, etc). Pero I have nothing against it. Hindi rin naman ako takot tumanda. Hindi ko lang talaga siguro ginusto ang mga ganu’n. Siguro peace of mind lang tsaka regular exercise lang ang katapat.
B: Kung bibigyan ka ng pagkakataon, may gusto ka pa bang ipabago o iparetoke sa iyong katawan?
VS: Wala. Kuntento na ako sa kung anong nakikita at nagugustuhan din sa akin ng mga tao. Nasa puso lang naman talaga ang lahat.
B: May mga dream role ka pa ba bilang artista? Sinu-sino pa ang gusto mong makasama sa future projects mo?
VS: Naku, noong una, akala ko ay nagawa ko na ang lahat halos ng roles, pero nang dumating ang “In My Life”, aha, this is something new. Never ko pang nagagawa ito. Kaya excited talaga ako. Ang pag-aartista naman talaga ay walang katapusang pag-aaral din. Yung sinasabi nilang hindi mo pa nagagawa, maybe tomorrow or sa susunod na project ay mabibigyan lang ng ibang treatment, and hayun, iba na! As an actress naman, I always find challenge in every role that I accept. And yes, I still look forward to working with our young and very talented actresses and actors. Kaya nga suwerte ko din na nakatrabaho ko ang anak kong si Luis at si John Lloyd (Cruz) sa project na ito. Yung sa amin ni Sharon (Cuneta), looking forward ako talaga sa project na yun. Marami pa akong gustong maka-trabaho kaya in terms of dream roles, siguro marami pang darating.
B: Mayamang-mayaman ka na ba?
VS: Living comfortably.
B: Do you have investments?
VS: Marami naman.
B: What’s the hardest problem you have encountered as a politician? B: Yung sobrang intriga na baseless at mga threats na involved ang family ko. Pag ganu’n, iba nang usapan kasi. I can handle yung issues on economy yung mga infrastructure projects, yung health issues, education, governance, management, budget, leadership and security. Yung pamumulitika ng mga kalaban, normal ang mga iyan. Lahat naman iyan ay may mga departamento o mga tamang tao na makakasama mong mag-solve, pero yung mga threats o intriga na nandadamay na ng pamilya, ibang usapan na iyan.
B: Which do you like better: movie star or public servant?
VS: Alam mo, ngayon pareho talaga silang mahalaga sa akin. Alam naman ng publiko na nabuhay ako sa pag-aartista. I don’t know how I became a public servant, but now that I am here, parang showbuziness, I am always doing my best.
B: Ano ang gusto mong maging legacy ng isang Vilma Santos?
VS: Na mayroong isang Vilma Santos na kahit paano ay nakapagbigay ng kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino, and at the same time isang Vilma Santos na nakapagsilbi sa kanyang mga mamamayan bilang isang mabuting public servant. At marahil isang Vilma Santos na ipinagmamalaking naging mabuting ina sa kanyang mga anak.
BANDERA Entertainment, 092809