Bistek tatakbong senador kaya nakikipaglandian uli kay Kris

HERBERT BAUTISTA AT KRIS QUINO

HERBERT BAUTISTA AT KRIS QUINO

Follow-up lang sa isinulat ko tungkol sa kadramahan ni Q.C. Mayor Herbert Bautista sa biglang pagdalaw niya kay Kris Aquino.

Napakarami kasing nag-agree sa akin, obvious na politically-motivated ang eksenang iyon ni Bistek.

Some say na ginawa lang tayong idiots ni Bistek para paniwalain that his act to visit Kris was sincere – malaking kaechosan nga naman iyon. Umeeksena lang daw talaga si Bistek dahil gusto niyang tumakbo bilang senador sa 2016 polls kaya gustong mag-ingay.

He needs to tap the masa – yung grassroot level and the best way to reach them is get connected to media. And Kris nga is his easiest target dahil tiyak na pag-uusapan nga naman sila. Pero ang mali lang ni Bistek, too soon para gawin niya iyon dahil fresh pa sa mga utak ng mga tao that for once ay naging malaking isyu iyon sa mga anak niya mid-last year.

“Stupid act! That’s crazy. Mabuti sana kung coincidence na nagkita sila sa isang event or party, natural lang na siya ang unang lumapit at bumati – a gentleman’s gesture kumbaga. Pero para sadyain si Kris para i-congratulate dahil kumita ang ‘Feng Shui’, isang malaking kauuluan! At tinaon pa niyang may mga camera.

“For all you know, siya pa ang nagpatawag ng TV crew para makunan sila at pag-usapan. Yung kiyemeng hindi sinasadyang nagkita sila pero ang totoo niyan ay premeditated lahat.  Kaya wala kaming bilib sa taong iyan!” tili ng isang taga-Q.C. na close sa amin.

Read more...