Makapag-aabroad na ba ngayong 2015? (2)

Sulat mula kay Jimmy  ng Luyag, Carmen, Cebu City
Problema:
1.      Tapos po ako ng Marine Transportation at matagal na akong nag-aaplay sa barko. Almost one year na akong naghihintay at nagpa-follow-up ng mga papeles ko pero wala pa ring nangyayari. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, upang itanong kung sa taon po bang ito ng 2015 may chance kaya na makapagbarko na ako.
2.       Kung sadya namang wala sa ibayong dagat ang kapalaran ko, okey lang pong dito na lang ako sa local magtrabaho, kaya lang gusto ko pong malinawan kung saan po ba talaga ako uunlad at aasenso, dito po ba sa ating bansa o sa ibayong dagat? January 14, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Jimmy ng Cebu City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing bago mo tuluyang maabot ang iyong pangarap na makapag-abroad, may mga kabiguan at frustration ka munang mararanasan, ngunit pagtapos naman nito, sa tulong ng isang kaibigang Taurus mabilis kang uunlad at aasenso, hanggang sa kusang matupad ang pangarap mong makapagbarko.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing likas kang suwerte sa pangingibang bansa, bagamat hindi pa lang ito naganap noong mga nagdaang taon, dahil hindi pa yon ang sakto at tamang panahon upang ikaw ay makapag-abroad. Ngunit sa taong ito ng 2015, sa edad mong 28 pataas, saktong-sakto na, susuwertehin ka na ngayon sa pangingibang-bansa.
Graphology:
Upang mas madaling matupad ang nasabing pagtayo, imbes na tinapos ang iyong lagda sa bilog na guhit na nalilika ng letrang “a”, mas mainam kung tatapusin mo ang iyong lagda, sa isang pa-straight line o tuwid na guhit sa pamamagitan ng pagpapahaba ng pinakapaa ng letrang “a”. Sa ganyang lagda, may pahaba o mahabang guhit sa dulong bahagi, magtatagumpay ka na.
Huling payo at paalala:
Jimmy nakatakda na nga ang iyong tadhana, kung nabigo ka man noong mga nagdaang taon, sa taong ito ng 2015, walang duda, susuwertehin ka na at ang pangingibang-bansa na nabanggit sa pamamagitan ng pagsi-seaman ay nakatakdang maganap sa buwan ng Abril o kaya’y Mayo sa edad mong 28 pataas, at sa nasabing pag-aabroad tulad ng nabanggit na, tuloy-tuloy ka ng aasenso at uunlad, hanggang sa isa-isa na ring matupad ang lahat ng iyong mga pangarap sa buhay.

Read more...