Tatapatan daw ng GMA 7 ang “Darna” movie ni Angel Locsin.
Napanganga kami sa chikang ito na nabasa namin sa isang Facebook fan page account. Ano raw? Ang chika, isang bagong character ang ilulunsad ng GMA para ipantapat sa “Darna”.
Most probably, si Marian Rivera raw ang kukuning aktres para lumipad sa bagong super hero character. We felt that this is just a baloney. Bakit naman gagawan ng isang bagong character na superhero ng GMA si Marian, eh, hindi na siya magiging kapani-paniwala dahil kasal na siya kay Dingdong Dantes.
It doesn’t make any sense, ha. Watched the special episode of Kapuso Mo, Jessica Soho na tribute kina Marian Rivera and Dingdong Dantes.
Maganda na sana ang tribute which was interspersed with some stories of love ng commoners. Nasira lang ang interview when Jessica, in one portion of the episode, asked Marian about her reaction sa pambabatikos sa kanya dahil hindi siya magaling mag-English gayong nakatapos naman siya ng college course niya.
Jessica clearly lacks some sense of DISCERNMENT. Imagine, tinanong niya iyon sa isang room sa De La Salle Cavite na siyang alma mater ni Marian.
Hindi ba niya naisip na what she was delving at ay may implikasyon sa dating school ni Marian? Parang ipinapahiya niya ang mga graduates ng nasabing school.
Na kahit na naka-graduate na sila ay maaaring hindi pa rin sila maging magaling sa English language. We found that question of Jessica lacking in sense. Bakit kailangan pa niyang itanong ‘yon? What is she driving at? Any comment, Jessica?