PARA sa King of Talk na si Boy Abunda, ang 2014 ang isa sa mga pinakaimportanteng taon sa kanyang buhay. Ito raw ang taon kung saan ginising siya ng Diyos. Ang tinutukoy ni Kuya Boy ay noong magkaroon siya ng matinding karamdaman.
“Dito ako ginising ng Diyos na, ‘When is enough, enough? What are the fundamentals? Ano ‘yung pinakamahalaga sa buhay mo,” sambit ni Kuya Boy noong makausap namin siya sa late talk show nila ni Kris Aquino na Aquino & Abunda Tonight.
Sinagot din ng TV host ang kanyang mga tanong. Sabi niya, ang pinakamahalaga sa buhay niya ay ang maalagaan ang pamilya niya especially his mom Nanay Lising na nagdiwang ng kanyang kaarawan last Sunday.
Dahil sa kanila, nagdesisyon si Kuya Boy to stay healthy. “Alam mo, nu’ng nasa ospital ako, may mga pagkakataon na sinasabi ko sa sarili ko, ‘Ba’t ‘di ka tumayo? Pumunta ka sa may bintana, o makipag-usap ka sa mga kasamahan mo doon sa sala…’
Gano’n. Kinakausap ko ang sarili ko. Pero hindi naman ako makagalaw,” kwento niya. Dagdag pa niya, “There was an episode in the hospital when it’s only you, your pain and your God.
You think you’re invincible? I was humbled. Kaya ngayon, ‘pag halimbawa, hindi ko na kaya, sasabihin ko, ‘Hindi ko na kaya. Okay na ako.”
Sa pagpasok ng 2015, tuluy-tuloy pa rin ang kabisihan ni Kuya Boy. Bukod sa mga programa aniya sa ABS-CBN– ang The Buzz, Aquino & Abunda Tonight at The Bottomline, tinatapos din ni Kuya Boy ang kanyang thesis for his doctoral degree sa Philippine Women’s University.
“Pero marami na ang nabawas (work load niya). Gaya ng Backroom (talent management) is already with Rowena (Salido) and Bettina (Aspillaga), I gave it to them.
Pero prior to my hospitalization, tumatawag pa rin sila, nagbabasa pa rin ako ng kontrata. Ngayon, wala na, totally,” lahad niya.
If it’s not life and death daw, pakiusap niya kina Rowena at Bettina na huwag na siyang tawagan.
“Kasi kanila na yon, e. I’m not part of Backroom anymore. So medyo gumaan (ang trabaho niya). Kung ‘yung mga shows lang na ganito, siguro naman, kaya ko na,” say pa ni Kuya Boy.
Pero syempre, kapag pinag-usapan na ang numero unong artist ng Backroom, none other than the Comedy Queen Ai Ai delas Alas, diretso pa rin daw nagbibbigay ng kanyang advise si Kuya Boy sa career at maging sa personal life ng komedyana.
Kaya si Kuya Boy ang isa sa mga unang naging masaya sa pagkakabati ng kanyang anak-anakang si Ai Ai at kaibigang si Kris. Ang galing nga ni Kuya Boy, e, kasi kahit magkaaway ang dalawang malalapit sa puso niya, nakeri pa rin niya na hindi maipit sa gitna.
Sa dalas na katsika namin si Kuya Boy, knows namin ang secret niya kung bakit ‘di siya naapektuhan ng awayang Kris at Ai Ai.
Remember, this is not the first one na nagkaroon ng ganyang sitwasyon na nagkaroon ng hidwaan ang dalawang celebrities na mga talents pa mismo ng Backroom.
Ang tinutukoy namin ay sina Dawn Zulueta at Gretchen Barretto. Until now ay wala pa ring nagaganap na reconciliation sa dalawa. Pero na-maintain ni Kuya Boy na maging balanse sa kanila.
What he did was and still doing now, hindi siya nakikialam sa away nila and he doesn’t take sides. Hindi rin niya pinipilit ang mga ito na magbati.
Afterall, matatanda na ang mga ‘yan at kaya na nilang magisip on their own, ‘di ba Kuya Boy? At ganyan ang nangyari kina Ai Ai at Kris ngayon. Mukhang okey na raw ulit sila.
At gaya ng sinulat ni Kris sa kalakip na letter sa regalong kwintas niya kay Ai Ai, “Forever friends na tayo, ha?”