KathNiel fans galit na galit, Miguel, Bianca kinawawa

kathniel padilla
Ang not-so-new tambalan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang pilit na ipinangtatapat ng Siyete kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

It’s a David and Goliath kind of thing. But wasily, mukhang walang binatbat ang tambalan nina Miguel at Bianca. Masyado pa silang hilaw as a love team.

Although they make a cute pair, milya-milya na ang layo ng KathNiel at ‘wag na nilang pangarapin na malagpasan ito.
“KATHNIEL is KATHNIEL marami na silang napatunayan they have everything blockbusters movies, hit teleserye, commercials, endorsement, top cover girl of magazine even music industry they conquer it already.

“It’s because they have a solid fans around the globe na kayang magsacrifice, gumastos ng pera para sa kanila at di mo matatawaran ang kanilang  effort para lang sa kanilang idolo at sana yung mga fans ng new LT ng GMA ang biguel ba kamo is gawin nila ang mga effort na ginawa ng KN fans kung gusto nila tumagal at sumikat ang idols nila,” said one KathNiel fan.

“Bakit nman kabahan ang kathniel sa bagung katapat eh panes nga yang itatapat sa kathniel eh! Baka sila ang dapat kabahan! Iba ang dating ng kathniel gumising kayo sa katotohanan!!!” tili naman ng isa pa.

Sa kahit na anong labanan ay dehado ang tambalan nina Bianca at Miguel.

Read more...