KC, Paulo nag-trending, madlang pipol pinakilig

kc paulo avelino
Nag-trending kahapon ang unang episode ng Christmas/New Year mini-series nina Paulo Avelino at KC Concepcion na Exchange Gift.

Ito ang huling handog ng Give Love On Christmas ng ABS-CBN under Dreamscape Entertainment. In fairness, marami ang pumuri at kinilig sa ikalawang pagsasama ng dalawa bilang magka-loveteam, lalo na ang mga netizens na talagang tumutok sa pilot episode ng programa.

Gumaganap bilang Anna Salcedo at Christian Cabrera sa kuwento, magsisimula pa lang ang kanilang love story sa unang episode ng Exchange Gift, pero dito pa lang ay marami nang nag-enjoy at puro magagandang komento nga ang nabasa namin sa social media.

Siguradong hindi na ito bibitiwan ng mga manonood dahil nasarapan agad sila sa unang patikim nina Paulo at KC. At sigurado kaming tuwang-tuwa ang rumored couple sa napakagandang New Year gift na ito para sa kanila.

Napapanood ang Exchange Gift bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.

Read more...