Mansiyon ni Willie sa Tagaytay tapos na; meron pang ipinatatayong bagong Hotel

willie revillame
Imposible ang mga kuwentong umiikot na naghihirap na si Willie Revillame. Gawa-gawa lang ang kuwentong ‘yun ng mga taong walang magawa sa buhay kundi man may matinding inggit sa aktor-TV host.

Aksidente naming napasyalan ang ipinagagawa niyang hotel sa Iruhin, Tagaytay, tapos na ang kanyang mansiyon na napakapaboloso at tuloy-tuloy naman ang konstruksiyon ng kanyang hotel.

Napasok na namin ang iba pa niyang mga bahay sa Kyusi at sa Tagaytay, pero ibang-iba ang kanyang mansiyon sa Iruhin, dahil pakiramdam mo habang nandu’n ka sa view deck ay parang napakalapit mo sa langit sa sobrang taas ng lugar.

Siyempre’y puro imported ang kanyang mga muwebles, kulay puti ang kanyang kurtina at kagamitan, talagang para kay Willie ay wala nang mas maganda pa sa puting-puting kapaligiran.

Malaking sampal ang kanyang mansiyon at magarang hotel sa mga taong palaging nangbabagsak sa kanya, sana’y marating din nila ang lugar ni Willie, para sila mismo ang makapagpatunay sa kanilang sarili na puro imbento lang ang kanilang ipinakakalat.

“Okey lang ‘yun, sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, ang importante, ang mahalaga, e, ‘yung alam natin ang totoo,” secure na secure pang sabi ng sikat na aktor-TV host.

Tama!

Read more...