TINAASAN ang pasahe ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit, na pawang pag-aari ng gobyerno, ang pasahe sa tren.
Tinaasan ang pasahe sa MRT at LRT, gayong bu-mababa ang pasahe sa jeep dahil bumababa ang presyo ng petrolyo.
How can the Department of Transportation and Communications (DOTC), which runs the MRT and LRT, justify the fare increase when it doesn’t give passengers good service?
Mga bulok ang mga coaches ng LRT at MRT at hindi inaayos, at pagkatapos magtataas ng pasahe?
May nahulog pa ngang MRT train sa Pasay City . Ibig sabihin ay napakawalang-kuwentang serbisyo ang binibigay ng gobyerno sa mga pasahero ng MRT at LRT.
Dapat naman ay mahiya ang administrasyon ni Pangulong Noy!
Kung meron kayong alam na pulis na nagpaputok noong selebrasyon sa pagsalubong ng Bagong Taon, isumbong ninyo sa amin sa “Isumbong mo kay Tulfo.” Ang aming mga numero ay (02) 451-2402 at 0921-238-6423.
Ang inyong reklamo will be held in strict confidence. Hindi namin ibubunyag ang inyong pa-ngalan.
Ipapasa namin ang in-yong sumbong sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP).
However, your complaint will have to be investigated kasi maraming taong nagsusumbong lang na walang katotohanan ang sinasabi.
Makaaasa kayo na bi-bigyan ng aksyon ang in-yong mga sumbong.
Galit si Deputy Director General Leonardo Espina, officer-in-charge ng PNP sa mga pulis na abusado.
qqq
Kung ang inyong nasaksihan ay hindi pulis, kundi sibilyan, isumbong pa rin ninyo sa “Isumbong.”
Kapag napatunayan na totoo ang inyong sumbong matapos ang masusing imbestigasyon ng pulisya, mawawalan ng lisensiya sa baril ang inyong sinumbong.
Mas lalo siyang malilintikan kapag ang kanyang baril na ipinutok ay walang lisensiya dahil makakasuhan siya ng illegal possession of firearm.
Mahaba ang pagkabilanggo ng kasong illegal possession of firearm.
Kung gugustuhin talaga ng gobyerno na walang masasaktan sa paputok tuwing Bagong Taon, ipagbawal ang paggawa ng mga firecrackers o pag-angkat (import) ng mga paputok.
The government should go straight to the source: the firecracker manufacturers o importers of firecrackers.
Kung walang gumagawa o nag-aangkat ng paputok, walang mabibiling paputok.
Resulta: Walang paputok sa New Year’s Eve celebration.
Sinabi na ng inyong lingkod na kagaguhan ang sinusunod ng mga Pinoy na tradisyon na magpapaputok sa Bagong Taon.
Matagal nang panahon na hindi sinusunod ang kalokohang tradisyon sa Davao City .
Resulta: Walang nasasaktan sa paputok.
At wala ring pulis na nagpapaputok ng baril sa siyudad.
Bagito pa lang na pulis itong si PO1 Joey Bautista Abad, abusado na.
Di lang siya abusado, bakla pa dahil pumapatol sa babae.
Tinutukan ng baril at pinagbubuntal ni Abad, na nakatalaga sa Quezon City Police District Station 8, sina Mary Dei Dumalag, Joy Mendoza at Melody Dumalag sa Malanday, Marikina noong Enero 1.
Minamaneho ni Abad ang kanyang lumang Pajero at muntik nang masagasaan ang tatlong babae na umangal.
Bumaba raw si Abad, nagpakilalang pulis at tinutukan sila ng baril at pinagsusuntok.
Yan ang pulis! Abusado at walang sinasanto, kahit babae.