Marian, Dingdong itutuloy ang ikalawang Honeymoon sa Rome

dingdong dantes
MAY second honeymoon  sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Bukod sa pagbabakasyon nila ng ilang araw sa isla ng Boracay kasama ang ama ni Marian, naghahanda na rin ang GMA Primetime King and Queen sa kanilang ikalawang pulot-gata.

This time, sa ibang bansa naman magpapakaligaya ang mag-asawa – sa Roma. Sa official Instagram account ni Marian, sinabi nitong super excited na siya sa ikalawang honeymoon nila ni Dingdong, nilagyan pa niya ito ng hashtag #DongYanHoneymoon.

Ibig sabihin lang nito, talagang sasamantalahin nila ang pagkakataon para makabuo agad ng baby. Mismong sina Yanyan at Dong na ang nagsabi na kakaririn talaga nila ang paggagawa ng baby after ng kanilang kasal kaya hangga’t wala pa silang trabaho, ie-enjoy muna nila ang isa’t isa bilang mag-asawa.

Nitong weekend lang, nakita ng kanilang followers ang ilang litrato nila sa Boracay kung saan nga nakasama rin nila ang tatay ni Marian bago ito umuwi ng Spain.

Samantala, pinabulaanan naman ng wedding coordinator nina Marian at Dingdong na si Teena Barretto na walang ginastos ang mag-asawa sa kanilang kasal.

Sinabi nito sa isang interview na galing kay Dingdong ang ginastos sa tinaguriang “royal wedding” sa Pilipinas. Ito’y sa gitna rin ng mga intrigang ibinabato sa bagong kasal – napaka-insensitive raw kasi ng mga ito dahil sa kabila raw ng kahirapan ng mga kababayan natin at sa sunud-sunod na kalamidad na nangyayari sa bansa ay nakuha pang gumastos ng milyun-milyon nina Dong at Yanyan para sa kanilang kasal.

Dito nga pumasok ang issue na GMA 7 daw ang sumagot sa halos lahat ng gastos sa kasal ng kanilang mga prime artists bilang publicity investment. Pero ayon nga sa wedding coordinator, wala itong katotohanan.

“While some sponsors were graciously accepted, most were politely declined. The amount of sponsorship / xdeal is not even 5% of the total wedding cost paid by the groom.

Given that, one can say that yes indeed ‘they paid for their wedding,’” ang sabi nito sa isang interview. Nilinaw din nito ang balitang gumastos ng P7 million si Dingdong para lang sa higanteng wedding cake nila na tinadtad din ng Swarovski crystals na may 3D effect pa.

Sabi ng wedding coordinator, regalo ng isang endorsement ni Dingdong ang nasabing cake, dagdag pa nito, “There were suppliers that were taken out in certain areas days before the wedding.

Suppliers that went onboard at the last minute were likewise paid in full.”  Paliwanag pa ni Teena Barretto, “While we are thankful to those who were very generous with their products and services, I still feel it is unfair that the couple is being bashed this way for something so beautiful, and most importantly, something they worked so hard for.”

Naniniwala rin ang pamilya at lahat ng mga kaibigan ng mag-asawa na dumalo sa engrandeng kasalan na talagang pinaghandaan ni Dingdong ang wedding nila ni Marian.

Sabi nga ni Dong sa huling interview ng press sa kanya, “Only the best for her!” Para sa amin, walang ginawang masama sina Marian at Dingdong, wala silang inapi o inagrabyadong tao.

Sa katunayan, napakarami pa nilang napaligaya at na-inspire sa ipinakita nilang pagmamahal sa isa’t isa.  In fairness, mukhang hindi naman apektado ang dalawa sa mga naglalabasang intriga sa kanila, kaya mamatay na lang sa inggit ang iba diyan!

Read more...