Semifinals spot puntirya ng Hapee

hapee
Mga Laro Ngayon
(JCSGO Gym, Cubao, Quezon City)
12 n.n. AMA vs Cagayan Valley
2 p.m. Racal Motors vs Hapee Fresh Fighters
4 p.m. Tanduay Light vs Jumbo Plastic
Team Standings: *Hapee (8-0); *Cagayan Valley (7-0); Café France (6-2); Jumbo Plastic
(5-3); Cebuana Lhuillier (4-3); Tanduay Light
(4-4); AMA (3-5); Wangs Basketball (2-5); Racal Motors (2-6); Bread Story (2-6); MJM M-Builders (2-6); MP Hotel (1-7)
* – quarterfinalist

KAKAPITAN na ng Hapee Fresh Fighters ang unang puwesto sa semifinals sa pag-asinta ng panalo sa Racal Motors Alibaba sa pagbabalik ng aksyon sa 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

May walong sunod na panalo ang Fresh Fighters at isa na lamang ang kailangan para makuha ang isa sa dalawang awtomatikong puwesto sa Final Four.

Ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon magsisimula ang aksyon at sa 2-6 baraha ng Alibaba ay kailangan nilang maipanalo ang nalalabing tatlong laro para manatiling buhay ang maliit na tsansa na pumasok sa quarterfinals.

Ikawalong dikit na panalo ang nakataya sa Cagayan Valley Rising Suns laban sa AMA University Titans sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang huling laro ay sa pagitan ng Tanduay Light Rhum Masters at Jumbo Plastic Giants dakong alas-4 ng hapon.

May 5-3 baraha ang Giants at nangangailangan ng panalo para manatiling okupado ang ikaapat na puwesto.

Read more...