Alaska pasok sa Finals

alaska

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
7 p.m. San Miguel Beer  vs Alaska Milk
(Game 1, best-of-seven  finals)

SINIGURO ng Alaska Milk na hindi na mauulit ang masakit na kabiguang nalasap sa kamay ng Rain or Shine matapos patalsikin ng Aces ang Elasto Painters, 79-76, sa Game Six ng 2014-15 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals series kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bunga ng panalo, tinapos ng Aces ang kanilang semifinals series kontra Elasto Painters,  4-2, para makausad sa kanilang ika-27 Finals appearance.

Makakatapat ng Alaska ang San Miguel Beermen na maagang pumasok sa all-Filipino conference finals matapos walisin ang kanilang semis series laban sa Talk ‘N Text Tropang Texters, 4-0.

Si Dondon Hontiveros, na napiling Best Player of the Game, ang namuno para sa Aces matapos gumawa ng 17 puntos kabilang ang mahalagang 3-pointers sa krusyal na bahagi ng ikaapat na yugto para tulungan ang Alaska na maitakas ang panalo.

Si Calvin Abueva ay nag-ambag ng 15 puntos at siyam na rebounds habang si Sonny Thoss ay may 11 puntos para sa tropa ni Alaska coach Alex Compton.

Read more...