Charice, Arnel Pineda patutunayang hindi pa sila laos

charice pempengco
Nitong Linggo ay muling napanood sa ASAP ang mga gaya nina Charice at Arnel Pineda, dalawa sa mga kababayan nating sumikat internationally.

Marami ang nagsasabi na simula nang medyo lumalam ang kanilang mga international careers, sa naturang show na lang daw madalas mapanood na bumibirit ang dalawa.

Nakakapanghinayang man, pero marami rin ang naniniwala na malaking tulong sa career ng mga ito ang naturang exposure para muling makabai sa international scene.

Sey nga ng mga nagtataray, “At least sa naturang show ay mas may opportunity sila na mapanood at makilala globally. Kahit paano, may kunek pa rin.”

Pero ang tsika naman na ibinabalita nina Arnel at Charice ay mayroon daw silang mga pinagkakaabalahan sa kanilang respective career. Kung ano man ang mga yun ay maghintay na lang tayo! Ha-hahaha!

Read more...