Hiling ng madlang pipol kay Pacman: Wag kalimutan si MJ Lastimosa sa Miss Universe

mj lastimosa
Uy how true kaya kapatid na Ervin na may mga opisyal ng Binibining Pilipinas Charities na nakipag-usap recently kay Congressman Manny Pacquiao.

Of course madali namang ikunek ang lahat dahil si Pacman nga ay napili para magsilbing judge sa Miss Universe pageant ngayong January sa Las Vegas, USA.

Kahit naman kami ang nasa kalagayan ng mga naturang opisyal at nabigyan kami ng chance to have a talk with Pacquiao, siyempre gagawa kami ng paraan na bigyan ng update at info si Pacman tungkol sa pambato nating si MJ Lastimosa.

Hindi naman pangangampanya yun at pag-pressure kay Pacman kundi simpleng pagpapaalala lamang tungkol sa ating Pinay bet sa Miss Universe. Good PR ang tawag du’n.

Hiling lang ng mga Pinoy na wag kalimutang bigyan ng second look ang ating bet. Besides, isa rin kami sa naniniwalang hindi naman mahirap at nakakahiyang ilaban ang tulad ni MJ na beauty and brains talaga, di ba mga ka-BANDERA?

Read more...