Mag-ingat sa 2015: Relasyon Daniel-Kathryn wawasakin ng ‘BABAENG AHAS’

kathryn bernardo

Kung sina Xyriel Manabat at Aiko Melendez ang nagpaiyak sa televiewers sa Christmas episode ng Maalaala Mo Kaya, ang Teen Queen naman na si Kathryn Bernardo ang bida sa New Year presentation ng programa ni  Charo Santos.

She played the role of Daisy na isang mabuting bata na inampon ng magasawang sina Ed (Smokey Manaloto) at Erlie (Assunta de Rossi).

Dahil sa angking galling at determinasyon, hindi naging mahirap para kay Daisy na tumayong breadwinner sa kanilang pamilya  pagkatapos ‘di kumita ang negosyo ng kanyang ama.

Kasama rin ni Kathryn sa MMK episode niya sina Eslove Briones, Patrick Sugui, Kazumi Porguqez, Dionne Monsanto at Ynna Asistio sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Samantala, isa si Kathryn at ang kalabtim niyang si Daniel Padilla ang binigyan ng prediction ng mga manghuhula on TV. Gaya last year, may malaking kontrobersya na naman daw na haharapin ang magkalabtim at manggagaling daw ‘yun sa third party sa side ni Daniel.

For sure, ipagkikibit-balikat lang ng fans nina Kathryn at Daniel especially now na may bagong teleserye ang dalawa sa ABS-CBN, ang remake ng Pangako Sa ‘Yo.

Read more...