Tatakbo nga ba si Erap sa Maynila?

Ni Ramon Tulfo

HINDI karuwagan ang umiwas sa pakikipaglaban sa China over the Scarborough Shoal.

Bagkus, ito’y isang intelligent decision.

Wala tayong laban sa China, na isang military superpower.

Buti na lang at hindi hothead si Pangulong Noy.

Alam niyang pipisain tayo ng China kapag nagkaroon tayo ng giyera sa bansa ito.

***

Ang dapat nating gawin ay idulog ang problema sa China over the Scarborough Shoal sa International Court.

Hindi dapat idaan sa init ng ulo ang problema natin sa China.

Diplomacy at dialogue ang kailangan natin sa paglutas ng problema sa China.

***

Birthday ngayon ng dating Pangulong Erap at expected na maraming mga politicians of all stripes ang dadalo sa piging.

Kahit na raw mga dating kaaway ni Erap ay inanyayahan, sabi ng isang taga loob ng Erap circle.

Isa nga raw sa inimbita ay si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, na naging dahilan sa pagka-alis ni ex-President Erap sa puwesto.

Nag-reconcile sina Erap at Chavit sa birthday party ng inyong lingkod noong Nov. 22, 2011.

Naghuntahan at nag-inuman ang dalawa na parang walang nangyaring masama sa pagitan nila.

Si Erap ay hindi mapagtanim ng utang na loob.

***

Pustahan tayo, si Erap ay mabubuhay hanggang 100 years old.

Sinabi sa akin ng kaibigan kong psychologist na ang taong mapagpatawad at hindi nagtatanim ng sama ng loob ay tumatagal ang buhay.

Ang mga sakit na cancer, heart attack at stroke ay sanhi ng sama ng loob o tinatagong poot.

Napag-alaman ng inyong lingkod na binigyan si Erap ng clean bill of health ng mga doktor nang siya’y magpa-executive checkup.

***

Ayaw pang aminin publicly ni Erap na siya’y tatakbo bilang mayor ng Maynila.

Pero kinumpirma ng aking kaibigan na si restaurateur Rod Ongpauco, na madikit na kaibigan ni Erap, na siya’y tatakbo.

Kapag kumandidato si Erap bilang mayor ng Maynila, tiyak na tatalunin niya si Mayor Fred Lim.

Malaki pa rin ang pananampalataya ng mga mahihirap kay Erap.

Karamihan ng mga botante sa Maynila — at maging sa buong bansa — ay mahihirap o masa.

Matatandaan na pangalawa si Erap kay Noynoy Aquino sa presidential election noong 2010.
Ang nakapagpanalo kay Noynoy ay ang simpatiya ng taumbayan dahil sa pagkamatay ng kanyang ina sa cancer.

Kung hindi namatay si dating Pangulong Cory ay si Erap ang nanalo.

Erap would have made history had he won the presidency for the second time.

***

Ipinagdiwang kahapon ng Philippine Red Cross (PRC) ang 65th anniversary nito.

Ang PRC (dating Philippine National Red Cross o PNRC) ay kaagapay ng mga Pinoy sa mga malalaking trahedya.

Nangunguna ang mga Red Cross volunteers sa pagdating sa disaster areas lalo na sa pamamahala ni dating Sen. Dick Gordon.

Si Dick at ang kanyang mga PRC volunteers ang napapansin na unang dumarating sa disaster areas.

Meron akong anecdote tungkol kay Dick Gordon.

Noong siya’y nagkakampanya pagka-senador ay napadaan siya sa isang bayan sa Nueva Ecija.

Nagkataon na nasusunog ang palengke habang si Gordon ay nangagampanya sa bayan.

Bumaba si Gordon sa kanyang sasakyan upang mag-supervise sa pagpatay ng sunog.

Umalis si Gordon matapos masugpo ang sunog.

Ganoon si Dick Gordon, hands-on leader.

(ED: May reaksyon, komento ba kayo sa artikulong ito? Isulat lamang sa ibaba ang inyong mensahe kasama ang pangalan, edad, lugar)

Read more...