Hirap bang mag- start ang 110cc mo?

Nakatanggap ang Bandera Motor section ng tatlong text message na nagtatanong tungkol sa kung ano nga ba raw ang dahilan kung bakit mahirap mag-start ang popular na 110cc street bike.  (Hindi namin babanggitin ang modelong tinukoy ng mga texter).
Masyado pang maaga para tukuyin kung ang electrical, o fuel at ignition system ng kinukuwestyong modelo ng 110cc na street bike ang dahilan.

Hindi rin kaagad masabi kung ang mga ito ay hindi tugma sa isa’t isa, o posibleng isa sa mga ito ay talagang may depekto na bago pa man ialis mula sa factory.

Nakalulungkot nga lang dahil wala pang batas na siyang nagbibigay ng proteksyon sa buyer ng mga bagong motorsiklo laban sa mga depekto o substandard ng motor na galing ng factory.

Kaya nga hindi raw hindi na dapat pagtakhan kung bakit ang Pilipinas ay ginagawang tambakan ng mga palyadong motorsiklo at scooter brands galing ng China na naibebenta sa bansa nang mura.

Sa kaso ng popular na 110cc, kahit pa ipagyabang ang bagong fuel injection system na tinatawag ngayong “spray”  na nagreresulta sa mas mababa o low consumption, choke ang kadalasang aberya na dinaranas nito.

Kung ihahalintulad sa  four-stroke engines, hindi na nito nangangailangan ng choke, isang requirement para sa na-phased-out na two-strokes.Masasabi ang ang mahirap at mabagal na pag-start ay kadalasan ay sanhi ng mahinang baterya, nababad sa baha o putik dahilan para masira ang electrical connection o kaya ay grounded na wire.

Isa ring dahilan nito ay ang gasolina mismo. Ang pabagu-bago ng fuel mula sa unleaded, premium o  high-octane gas, gaya ng Blaze,  ay hindi maganda para sa fuel system.

Laging tandaan na ang motorsiklo ay designed para sa unleaded  at tanging ang mga “speed addict” ang siyang handa para sunugin ang fuel system sa pamamagitan ng high-combustion fuel.

Bukod sa isyu ng chemical content ng high-octane, ang pagtakbo ng fule mula sa  refinery patungo sa storage tank, patungo sa tanker at sa panibagong storage tank ay sanhi rin kung bakit nakakaipon ito ng dumi na naikakarga rin sa sa gas tank ng motorsiklo.

Kaya ang sanhi ay aberya sa iyong motorsiklo na sinisikap mong mapangalagaan nang husto para makinabangan sa araw-araw na trabaho.
Ang checkup at cleanup para sa fuel system ay kailangan kung naitakbo na ang motor sa mahigit 50,000 kilometro. —Lito Bautista

Riding-in-tandem ipagbawal

NANAWAGAN ang isang anti-crime group sa law enforcement agencies pansamantalanga ipagbawal ang riding-in-tandem bunsod na rin ng sunud-sunod na krimen na kagagawan ng ilang kalalakihan na sakay ng motorsiklo.

Sa isang kalatas, sinabi ng Volunteers Against Crime and Corruption, dapat lang na pansamantalang huwag payagan ng pamahalaan ang riding in tandem sa mga motorsiklo habang ginagawan ng paraan na labanan ang mga crime groups na ginagamit ang motorsiklo sa paggawa ng kanilang krimen.

Sinasabi na ang riding-in-tandem sa motorsiklo ay “effective modus operandi” ng mga criminal syndicates at guns-for-hire.

Ayon kay VACC chair Dante Jimenez, nakakaalarma na ang dami ng mga insidente ng robbery, patayan na kinasasangkutan ng mga kawatan na nakasakay ng motorsiklo

Partikular umanong nakakaalarma ang huling insidente sa Marikina City nitong Enero na mismong tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority na si Cesar Bacani.

Nitong Marso 30, On March 30, binaril at napatay din ang negosyante si Sherlyn Tan, sa Marikina City, nang mga lalaking sakay ng motorsiklo.

“Criminals are getting bolder and quicker using motorcycles, the crimes more frequent and brutal with this kind of modus operandi. We should put a stop to this.

This gruesome killing sprees committed by motorcycle-riding killers in tandem, so bold as to strike even on open roads in broad daylight is unprecedented.

It is a rising phenomenon to which the government should promptly take action,” ani Jimenez.

“The government should ban first the riding of motorcycles in tandem until an effective way to stop it is developed by law enforcers,” Jimenez suggested, adding that with their motorcycles, suspects could easily dart in and out of the crime scene and make their escape.

(Ed: Payag ka ba sa panukalang ito ng VACC? Bakit? I-text ang iyong pangalan, edad, lugar, at mensahe sa 09178052374)

Read more...