NATAWA kami sa reaction ng manager ni Marian Rivera na si Popoy Caritativo sa sentiments ni Katrina Halili na kanyang ipinost sa Twitter recently.
Although hindi pinangalanan ni Katrina ang kanyang pinatutungkulan na nagmamaldita sa kanya sa taping, it’s pretty obvious na si Marian Rivera ito.
Hindi diretsang sinagot ni Popoy ang issue ng pagmamaldita ng kanyang alaga. Parang ang naging dating pa ng statement niya, gusto na niyang mag-resign si Katrina sa show.
“As far as Marian is concerned, masaya ang environment sa taping.
If Katrina is always in a bad mood because of her pregnancy at ayaw niyang nakikita ang director, any of the staff or co-stars niya, and if she wants to quit the show, she should just talk to management about it like any professional actor would do,” ‘Yan ang reaction ni Popoy.
What he conveniently forgot is the fact that Katrina did not have any squabble with any of her co-stars, with the director and the staff of the show kundi kay Marian lang.
Katrina’s tweets were directed to just one person, Popoy, baka nagkakamali ka ng pag-intindi.
Between Marian and Katrina, mas may history ng kamalditahan ang dyowa ni Dingdong Dantes.
Ilan na ba ang nakaaway niya sa GMA 7. ‘Di ba nag-away sila noon ni Rhian Ramos, Bela Padilla and then Heart Evangelista?
Not to mention Katrina noon pang magkasama sila sa remake ng isang Mexicanovela.
Sabi sa isang report ay hindi na pinasasagot ng GMA 7 si Marian sa mga issue sa kanya. Siguro they want the issue to die a natural death.
Ano naman kaya ang ginagawa ng network sa latest issue ng kamalditahan ni Marian? Feeling namin ay wala.
Noong away nina Marian at Bela ay pinag-usap nila ang dalawa sa isang closed-door meeting. Ito ay dahil lumala na nga ang gusot at masyado na itong lumaki.
Ang tanong, pinagalitan ba nila si Marian?
Bakit ba ‘pag si Marian ang nasasangkot sa mga hindi kagandahang issue ay panay ang deadma ng GMA?
Bakit hindi sila ganyan sa iba nilang artista?