Coleen Garcia walang hiya-hiya, ibinilad ang hubad na katawan
Trending sa social media ang mga sexy photos ng It’s Showtime hosts at magdyowang sina Billy Crawford at Coleen Garcia. Nagbabakasyon sa Maldives ang dalawa at kitang-kita sa mga litrato nila na enjoy na enjoy sila sa kandungan ng isa’t isa.
Maraming kalalakihan ang naglaway sa halos hubad nang katawan ni Coleen habang nagtatampisaw sa beach. Ito rin ang dahilan kung bakit napakaraming naiinggit ngayon kay Billy, lalo na ang mga followers niya sa Instagram.
Proud na proud siyempre si Billy sa kaseksihan ng kanyang dyowa na walang keber na nagbilad ng kanyang katawan in colorful bikinis. Isa nga sa mga ipinost ni Coleen sa kanyang IG account ay ang litrato niya kasama si Billy na tila nang-iinggit ng mga kalalakihan.
Sa isang litrato naman ay may mensahe si Coleen tungkol sa pagpasok ng bagong taon at kung gaano siya ka-excited na salubungin ito kasama si Billy.
“2014 was my most colorful year yet, and I thank God for it. As much as it was difficult, it also played a huge part in molding me as a person. Also, it was a year of blessings and good realizations.
“We always come out stronger, and it goes to show that we will never be forsaken and that things always happen for the best of reasons. Today we look past all of that, but we must still continue to treasure every bit of it,” sey pa ng TV host-actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.