Jomari ayaw nang buntisin si Aiko: OK na ako sa anak namin!

jomari ylyana
Sinuportahan ni Jomari Yllana ang kanyang ex-wife na si Aiko Melendez sa nakaraang birthday concert nito last Dec. 16.  After ng concert, nakatsikahan namin si Jom sa dressing room habang nagpapahinga.

Tinanong namin siya kung nabalitaan niya ang mga sinabi ni Aiko sa past interviews niya regarding sa pagkakaroon niya ulit ng anak sa kanyang ex-hubby. Wala raw siyang nabasa pero may nagkwento.

“Uh, ako happy ako kay Aiko kasi at least alam na niya ang gusto niya. Gusto niya ng anak. Pero ako knowing Aiko parang, minsan may maiisip siya. Tapos madudulas ‘yung dila niya.

Meron siyang ganyan. So, sanay na ako sa lola mo,” natatawang bungad ni Jom. Payag ba siya na magkaroon ulit sila ng anak ni Aiko? “Siguro pagdating ng araw pwede na akong magpa-sperm bank. Ha-hahaha! Ibenta ko.

Maganda naman ‘yung produkto, in fairness. Ha-hahaha! Joke lang.” Okey na raw si Jom sa  anak nila ni Aiko na Andrei. Mahal din ni Jom ang half-sister ni Andrei na si Martina.

Parang anak na rin ang turing niya sa bunso ni Aiko. “Kung mabibigyan ako ng pagkataon, well, wala naman akong asawa. So, hindi naman ako ‘yung girlfriend ng girlfriend, tapos anak ng anak. It’s not my style.”

Happy din si Jom kay Aiko sa bago nitong faith, “Gusto ko ‘yun kasi meron siyang direct line ngayon with God. And I’ve never seen her this close doon sa kanyang faith and meron siyang bagong ayos na sinusundan.

Tsaka, parang nakikita ko sa kanya ngayon as natse-cherish niya ‘yung mga tao. Mas nabibigyan niya nga value, importansya ‘yung mga taong nakapaligid sa kanya.”

So, walang balikang magaganap sa kanila ni Aiko sa 2015?  “Wala,” sagot niya. “Pero ano, tingnan mo, ganyan kami. Eto na ‘yung pinakamaganda naming (samahan), sa totoo lang.”

Read more...