MARAMI pa ring di natuto at nagpaputok ng rebentador noong New Year’s Eve kaya’t hayan naputukan at nawalan ng mga daliri!
Ang dapat sabihin sa mga nasaktang pasaway na ito: Buti nga sa inyo!
At doon sa nagpaputok ng baril sa kalasingan noong kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon, bakit di pa ninyo
ipinutok sa inyong ulo ang baril para nawala na kayo sa mundo?
Teka nga, ano ba ang dahilan at nahihita sa pagpapaputok sa pagsalubong ng Bagong Taon?
Na ito’y matagal nang tradisyon?
Na kayo’y nagsasaya at dapat mag-ingay sa pamamagitan ng paputok?
Bakit susundin ang tradisyon na maaaring magdulot sa inyo ng kapahamakan gaya ng putol na daliri o pagkabulag?
Kung kayo’y nagsasaya, bakit hindi na lang magkantahan o kaya ay magpalu-palo ng kaldero o planggana?
Di ba ninyo naiisip na kagaguhan ang inyong dahilan sa pagpapaputok sa New Year’s Eve?
Labing apat katao ang naputulan ng mga daliri o kamay, isa na rito ang 7-anyos na na bata, ayon sa police report.
Kita na ninyo ang kagaguhan ng mga ito?
At yung bata na nasabugan ng paputok, dapat ang sisihin ay ang kanyang mga magulang. Dapat ang mga magulang niya ang naputulan.
Inuulit ko, dapat hindi kayo kaawaan sa inyong kagaguhan at bagkus ay kutyain pa kayo.
Maraming beses na inilathala sa mga pahayagan, sa radyo at sa TV, kung saan ipinakita ang mga putol na daliri sanhi ng paputok,
upang kayo’y umiwas sa paputok. Pero di kayo nakinig.
Inuulit ko, dapat ay di kayo kaawaan o bigyan ng simpatiya sa inyong kagaguhan. Bagkus ay dapat kutyain pa kayo.
Mabuti pa ang mga taga Davao City, alam nila na kagaguhan ang magpaputok ng rebentador sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Walang nasusugatan ng paputok sa syudad dahil walang nagpapaputok ng rebentador o kwitis.
At mas lalong walang pasaway ng pulis na nagpapaputok ng baril sa Davao City. Baka kasi sila ang mapaputukan ng kilabot na Davao Death Squad (DDS).
Matagal nang tahimik sa paputok ang Davao City tuwing pagsalubong ng Bagong Taon.
Pero hindi bawal ang mag-ingay sa ibang paraan gaya ng pagtuktok ng kaldero, pagtorotot (hindi yung pangangaliwa ng babaeng may asawa, ha), at pagpapatakbo ng sasakyan na hila-hila ang mga lata.
Nakagawian na sa siyudad ang ganoong pagsalubong sa Bagong Taon. Naging tradisyon na ito.
Kung nabago ang kagaguhang tradisyon sa Davao City, bakit hindi mabago sa ibang lugar sa bansa?
Kung sino pa ang nanghuhuli ng nagtutulak o gumagamit ng droga, siya pa ang isa sa mga adik sa droga.
Si PO2 Miguel Cordero Jr. naka-assign sa Quezon Police District Anti-Illegal Drugs (DAID) ay naging drug addict mula nang siya’y mailipat sa DAID, sabi ng kanyang maybahay na si Rowelle at kanilang anak na babae na di ko babanggitin ang pangalan dahil siya’y 14 anyos lang.
Noong Dec. 24, nagwala si Cordero dahil sa sobrang kalasingan sa droga at si-nunog ang mga gamit nila sa bahay at mga laman ng tindahan.
Kung anu-ano raw ang pinagsasabing kabalbalan at pinagbibintangan pa ang kanyang asawa na nakikipagtalik sa kanilang anak na 21 anyos na lalaki.
Di ba epekto ito ng droga?
Matino raw itong si Cordero noong nasa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) sa Camp Crame, pero nang mailipat siya sa DAID doon na siya naging halimaw, sabi ni Rowelle.
Ibig sabihin nito ay talamak ang paggamit ng droga ng mga miyembro ng DAID.