13th month pay di ibinigay

TAWAGIN nyo na lamang akong Erwin na nagtatrabaho sa isang construction company sa Bacoor, Cavite. Bagaman Category C ang construction company ng employer ko ay marami naman etong nakukuhang project kahit maliliit lamang dahil sa pagiging sub contructor.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay ang aming 13th month pay, natapos na po ang Pasko at Bagong Taon na. Ano po ang dapat naming gawin? Sana matulungan ninyo kami. Salamat po.
Erwin

REPLY: Alinsunod na rin sa ipinatutupad ng batas sa paggawa, ang 13th month pay ay dapat ibigay sa mga empleyado nang hindi lalagpas ng ika-24 ng Disyembre ng bawat taon.

Gayunman, maaaring ibigay ang kalahati ng 13th month pay bago magsimula ang regular na pagbubukas ng school year at kalahating natitira ay dapat maibigay bago sumapit ang Disyembre 24 ng bawat taon.

Dapat ang pagbabayad nitong benepisyo ay maaring sakop ng maypagawa at kinikilalang collecting bargaining agent ng mga manggagawa.

Lahat ng maypagawa ay kinakailangang magbayad sa kanilang rank-and-file employees ng 13th month pay anumang estado ng kanilang pagkaka-empleyo at anuman ang paraan ng kanilang pagpapasahod.

Kinakailangan lamang sila ay makatanggap ng proportionate 13th month pay.

Ang isang empleyado na nag-resign o ang kanyang serbisyo ay natapos na sa anumang oras ay may karapatan din para sa 13th month pay batay naman sa panahon ng kanyang inilagi sa kanyang pinapasukan sa buong taon.

Kaya, kung ang manggagawa ay nagtrabaho mula Enero hanggang
Setyembre, ang propor-syon ng kanyang thirteenth month pay ay dapat katumbas ng labing dalawang bahagi o (1/12) ng kanyang basic salary sa panahon na iyon.

Ang iniutos na 13th month pay ay hindi kailangang isama bilang bahagi ng regular na pasahod ng mga empleyado para sa mga layunin ng pagdedetermina ng overtime at premium payments, fringe, benefits, pati na rin ang kontribusyon sa state insurance fund, Social Security System, National Health Insurance program at mga pribadong retirement plans.

Malinaw na may paglabag ang inyong employer kaya pinapayuhan si Erwin na magtungo sa Department of Labor and Employment (DOLE) office o branch para magharap ng reklamo laban sa employer.

DOLE

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Read more...