Lagot: Kris inakusahang ginapang ang best actor award ni Derek

derek ramsay
Si Kris Aquino ang pinagdududahan ng ilang kampo na lumakad sa pananalo bilang best actor ni Derek Ramsay sa MMFF. Ginamitan na naman daw ng “mahiwagang kamay” ng aktres-TV host ang naging desisyon ng mga jurors ng pestibal.

‘Yun naman ang kuwentong mahirap paniwalaan. Kung totoong pinairal ni Kris ang kanyang “kapangyarihan” sa MMFF, di sana’y nanalo rin ang kanyang anak na si Bimby at hindi si Ryzza Mae, di sana’y si Coco Martin na ang pinanalo niya at hindi si Derek dahil magkasama sila sa pelikula?

At ang the height, kung totoong nilakad ni Kris ang botohan, di pati sana ang kanyang sarili ay nanalo na rin? Kesehodang sinasabi ng mga nanood ng kanyang pelikula na ganu’n pa ring acting niya sa dati ang nasaksihan ngayon sa kanya sa “Feng Shui”, e, ano ngayon?

Ipinipilit ng iba na si Kris ang may kinalaman sa pananalo ni Derek, pero kung iisipin, paano naman ‘yun magagawa ng TV host samantalang hindi naman puro mga taga-showbiz lang ang humusga sa mga ipinakitang pagganap ng mga naglaban-labang artista kundi pati mga ordinaryo nating kababayan mula sa iba’t ibang sektor?

Marami talagang mga kuwentong komedya ang dating. Nakakatawa, pero ipinipilit, para lang makapagkomento.

Read more...