Loveteam nina Zanjoe at Beauty patok na patok sa Dream Dad

zanjo marudo
Mukhang may kilig sina Zanjoe Marudo at Beauty Gonzales dahil gustung-gusto ng mga nakakausap namin ang pakilig-kilig at palihim na sulyap ng komedyanang aktres sa guwapong aktor.

Iisang tanong nga sa amin ng mga nakakapanood, “Si Beauty ba ang leading lady ni Zanjoe sa Dream Dad? Kasi bagay pala sila pag seryoso si Beauty. Maganda naman pala siya kapag maayos ang bihis.”

Anyway, trulili kaya na hindi si Beauty ang first choice para sa papel niya? Hindi lang daw pumuwede ang gaganap sanang leading lady ni Zanjoe sa Dream Dad na hindi naman ibinigay sa amin ang dahilan.

“Experimental ang tambalang Beauty at Z (Zanjoe) kasi di ba, magkaiba sila ng karakter, good thing may chemistry sila,” tsika sa amin ng isang taga-ABS-CBN.

Samantala, mabuti na lang at boses babae at naka-bistida si Jana Agoncillo bilang si Baby sa serye dahil kung hindi ay mapagkakamalan namin siyang lalaki, di ba President, este bossing Ervin? Hataw sa ratings game ang Dream Dad na napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol.

Read more...