Magkaka-trabaho ba ngayong 2015? (2) | Bandera

Magkaka-trabaho ba ngayong 2015? (2)

Joseph Greenfield - January 04, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Karen ng Quezon Aveneu, Miputak, Dipolog City
Problema:
1.      Tapos po ako ng kursong HRM at sa kasalukuyan matagal na po akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon mag-iisang taon na ay hindi parin ako natatanggap sa mga company na inaaplayan ko.
2.      Ask ko lang po kung ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon na ako ng isang maganda at matatag na trabaho, nahihiya na  kasi ako sa mga magulang ko na matapos akong pag-aralin ay wala man lang akong maiganti sa kanila. Sa taong po bang 2015, makapagta-trabaho na kaya ako? November 7, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Karen ng Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing sa taong ito ng 2015, is aka sa mga susuwertehin, kaya nga kung imbis na dito sa ating bansa maghanap ng trabaho ay sa abroad ka mag-aaplay, tiyak ang magaganap, sa taon ding 2015 sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karansan.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabi namang sa sandaling nag-aplay ka na sa abroad, lagi kang magpasama sa mga taong isinilang sa petsang 1, 10, 19, at 28 – ang mga taong nabanggit ang kusang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at tutulungan ka nila upang mas madali kang magtagumpay at managana.
Graphology:
Upang lalong matupad ang nasabing pagtaya, mas makabubuting bahagya mong baguhin ang iyong lagda. Sa halip na pasubsob pababa, gawin mo pataas ang dulong bahagi ng iyong lagda o iyong pinaka-end stroke. Sa ganyang paraan, tinapos mo ang iyong lagda, paitaas, makakasakay ka ng eroplano at sa taon ding ito ng 2015 magsisimula, isa-isa ang marami pang suwerteng darating sa iyong buhay.
Huling payo at paalala:
Karen ayon sa iyong kapakaran okey lang na hindi ka natatanggap sa mga unang companies na inaapyana mo, dahil ang nakasaad sa iyong kapalaran ay hindi ka dito sa ating bansa napapabilang kundi sa pag-aabroad at sa nasabing pag-aabroad sa isang bansa na sakop ng konetinente ng Europe  sa taon ding ito ng 2015, sa bwaun ng June-July, habang kasagsagan ng ulan. sa edad mong 23 poataas, tuloy-tuloy ka ng makapag-aabroad at sa nasabing pangingibang bansa, tuloy tuloy ka na ring aasenso, uunlad at sasagana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending