Balikang Kris-Bistek sa 2015; mga politiko tinira ni Vice

herbert bautista
MAY social relevance ang bagong album ni Vice Ganda under Star Records.

Matapang na tinalakay ng TV host-comedian ang mas tumitindi pang corruption sa bansa at ang isyu ng gender inequality sa Pilipinas sa kanyang “#Trending” album.

Sa bagong kanta niyang “Aba, Matindi”, walang patumanggang tinira-tira ni Vice ang mga walang hiya at gahamang government officials na patuloy na nagnanakaw sa kaban ng bayan sa kabila ng paghihirap ng mga Pinoy.

Ipinaglalaban naman ni Vice ang mga karapatan ng LGBT community sa kantang “Ibang Hugis, Ibang Kulay”, dito nais niyang tuluyan nang mabura ang gender biases and discrimination among gays and lesbians.

In fairness, sa loob lang ng isang linggo, naka-gold record na agad ang “#Trending” album ng gay comedian, mahigit 7,500 copies na ang naibenta ng iba’t ibang record bars sa bansa.

It was already certified by the Philippine Association of the Record Industry, Inc..Bahagi rin ng nasabing album ang mga previous hit songs ni Vice na “Boom Panes,” “Malaya Ka Na,” at “Push Mo ‘Yan ‘Te” kung saan nagsilbing back-up vocalist pa niya ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Completing the tracklist are bonus songs like “Boom Panes Bryan Cua Remix,” “Boom Panes Christmas Remix,” and “Push Mo ‘Yan ‘Te Bryan Cua Remix.” All tracks have minus one versions in the album.

Okay kay Kris Aquino kung makipagbalikan sa kanya si Herbert Bautista – ang tanong lang daw – kung payag ba si Bistek na magbalikan sila.

Ayon kay Tetay, walang problema sa kanya kung ligawan uli siya ng alkalde ng Quezon City at magkaroon ng part two ang kanilang naunsiyaming relasyon.

“It’s not for me to decide, e. Ako, walang problema sa side ko, e. Walang problema sa mga kapatid ko. Wala akong problema sa mga anak ko. Siguro, ang sa kanya,” ayon kay Kris sa isang interview.

Nagpaliwanag din si Kris tungkol sa pagdalaw ni Bistek sa bahay niya, “Ayoko sanang pag-usapan kasi I really didn’t expect, and ayokong may mali akong masabi na ika-upset pa ng mga anak niya.

Ayoko rin na mabahiran pa siya ng intriga.”

Read more...