SINA LeBron James at Stephen Curry ang patuloy pa ring nangunguna sa mga NBA All-Star vote-getters matapos ang second tally ng fan ballots.
Ang Cleveland Cavaliers forward na si James ang nangunguna sa natipong 775,810 boto para sa Eastern Conference frontcourt spot.
Ang Golden State Warriors guard na si Curry ay may nalikom naman na 755,486 boto, para pumangalawa sa botohan ng liga at manguna sa Western Conference guards.
Sa resultang nilabas kahapon, sinamahan nina Chicago Bulls forward-center Pau Gasol at New York Knicks forward Carmelo Anthony sa East frontcourt si James. Si Washington Wizards guard John Wall ay nanatiling nangungunang vote-getter para sa East backcourt at sinusundan siya ni Miami Heat guard Dwyane Wade.
Sinamahan ni Kobe Bryant si Curry sa West backcourt. Ang West frontcourt ay pinamumunuan nina Anthony Davis ng New Orleans Hornets, Blake Griffin ng Los Angeles Clippers at Marc Gasol ng Memphis Grizzlies.