Ang BF na ba ang makakatuluyan? (2)

Sulat mula kay Jasmine  ng ng San Nicolas,  Toril, Davao City
Problema:
1.      May boyfriend ako sa ngayon na isinilang noong April 25, 1989 at ako naman po ay isinilang noong September 2, 1990. Madalas na sa aming may nangyayari kaya gusto ko pong malaman ay kung tutuparin  niya ba ang kanyang pangako na ako ay pakakasalan niya kapag daw nakaipon na siya ng sapat na perang pampakasal namin.
2.      Sa ngayon kasi ay nasa Maynila siya, isinama ng kapatid niya upang pansamantalang magtrabaho doon. Inaalala ko po na baka hindi niya na ako balikan. Sana malaman ko rin kung kami na ba ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay.
Umaasa,
Jasmine ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing tugma at compatible naman kayo ng boyfriend mong Taurus, dahil ang Taurus at Virgo ay may iisang elementong tinataglay ang elementong earth o lupa. Ibig sabihin ay sa malapit na hinaharap, kasal man kayo o hindi, kayo na nga ang magsasama habambuhay sa pagbuo ng isang simple at masayang pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 2 at 25 naman ang boyfriend mo ang nagsasabing hindi lang kayo sa Astrology tugma kundi sa Numerology din.  Ang 2 at 25 ay kapwa pinaghaharian ng elementong tubig. Ibig sabihin, mas lalong uunlad at sasagana ang inyong pagsasama kung titira kayo sa mga lugar na malapit sa tubig.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran ay lagi kayong gumamit ng kulay na berde, dilaw at pula. Ang mga nasabing kulay ang lalo pang magpapaunlad ng iyong kapalaran sa aspetong pag-ibig at sa relasyon man.
 Huling payo at paalala:
Jasmine, ayon sa iyong kapalaran, kahit saan man mapunta o mapadpad ang boyfriend mo, ay sigurado na ang magaganap. Dahil sadyang tugma at compatible kayo, walang duda, kayo na nga ang magkakatuluyan. Ang pag-aasawa na nabanggit ay nakatakdang maganap sa taong 2016, sa edad mong 26 at 27 naman ang boyfriend mo. Ang nasabing samahan ay mamumunga ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Read more...