Charice kay Alyssa: Para na rin kaming mag-asawa

ALYSSA QUIJANO AT CHARICE

ALYSSA QUIJANO AT CHARICE

NAGING maganda takbo ng 2014 para kay Charice, lalo na kung ang pag-uusapan ay ang kanyang personal na buhay.

Bago kasi nag-goodbye ang 2014 ay nakaayos na sila ng kanyang inang si Mommy Raquel at natanggap na rin ng kanyang pamilya ang pagiging tomboy niya. Bukod dito, binigyan na rin ng blessing ng kanyang nanay ang relasyon nila ni Alyssa Quijano.

Sa reception ng kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, nakachika namin sandali si Charice at dito nga niya nasabi na meron na siyang peace of mind ngayon dahil maayos na uli ang relasyon niya sa kanyang family.

Aniya, kung may isang bagay siyang natutunan sa nakaraang taon, ‘yan ay ang totoong meaning daw ng “acceptance”.
“Kung noong 2013 mas maraming downs kesa sa ups, yung 2014 naman is really a good year for me and my family. Nagkabati kami ni mommy, naayos na ang mga problema, kaya yung Christmas namin ngayon sobrang meaningful, tapos kasama ko pa si Alyssa. Kaya wala na akong mahihiling pa,” ani Charice na ang payat-payat na ngayon.

Sa isang interview naman, in-explain ng international singer kung ano pa ang pinakamagang aral na natutunan niya noong nakaraang taon, “Natutunan ko po ngayong taon ay tanggapin ang mga pagkakamali ko kasi yung mga pagkakamali din na yon ay yun din ang nagturo sa akin at naging way sa kung ano ang mayroon at nangyayari sa akin ngayon.

“Hindi ko po nire-regret na nangyari lahat yon, kumbaga acceptance lang na lahat yon ay nangyari kasi may ibang plan sa akin si God,” chika ni Charice. Dagdag pa nito, tanggap na niya na hindi lahat ng tao ay magugustuhan siya, “Para kasing pini-please ko kasi ang tao ng sobra pero hindi naman pala yun ang nafi-feel nila.”

Tinanong ko sina Charice at Alyssa kung na-inspire rin ba sila sa kasal nina Marian at Dingdong, tugon ng dalawa, halos lahat daw ng um-attend sa royal wedding ay talagang napa-wow sa ganda ng kasal. Kaya ang wish nila sa bagong kasal, sana ay pang-forever na ang pagmamahalan ng dalawa.

Tungkol naman sa pagpapakasal nila ni Alyssa, hindi pa raw talaga nila ito napag-uusapan nang seryoso. Pero sey ni Charice, sa pagsasama nila ngayon ng kanyang partner, para na rin daw silang mag-asawa. Ang pinakamahalaga naman daw kasi sa isang relasyon ay ang respeto at tiwala sa isa’t isa.

Kung may natutunan siyang lesson sa relasyon nila ni Alyssa, ano ‘yun? “Natutunan ko po mag-settle. Kasi everday may natutunan at nare-realize na ganito ang feeling na okay ka na, yung di mo na naiisip ang really mo to be with other, may contentment, yung settled na talaga ang feelings.”

Excited na ang international singer pagsisimula ng 2015 dahil nakatakda ngang maganap this year ang kanyang Asian and European tour. Magkakaroon din siya very soon ng bagong album featuring OPM songs.

Read more...