‘Honeymoon’ agad: Billy, Coleen nagpakaligaya sa Maldives | Bandera

‘Honeymoon’ agad: Billy, Coleen nagpakaligaya sa Maldives

Ambet Nabus - January 02, 2015 - 03:00 AM

COLEEN GARCIA AT BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA AT BILLY CRAWFORD

Medyo malungkot din ang naging selebrasyon ng ilang mga kababayan natin sa bahagi ng Kabisayaan at Mindanao dahil kay bagyong Seniang, ang huling bagyo na dumating sa bansa bago magpaalam ang 2014.

Matindi ang mga nasaksihan naming mga pagbaha at landslides at may mga namatay din sa ilang mga lugar na hinagupit ng bagyo.

Yung ibang celebrities naman ay nabalitaan nating sa abroad nag-spend ng holiday season. Yung iba ay talagang iniwasan ang mga paputok noong Bagong Taon though in fairness sa mga kampanya ng mga ahensya ng gobyerno ay hindi na rin masyadong nagpaputok ang mga tao.

Among the celebrities na nalaman nating nag-out-of-the country ay sina papa Vhong Navarro (kasama ang pamilya) na nagpunta sa China (thank you papa Vhong sa bonggang pag-alala. Hahahaha!), habang solo naman daw ang drama ni Angeline Quinto sa Hongkong kung saan balita ring nagpunta si Angelica Panganiban minus John Lloyd Cruz.

Hataw naman ang mga sexy picture ng magdyowang Billy Crawford at Coleen Garcia sa Maldives kung saan sila nagbakasyon at nagsalo sa kaligayahan. In fairness, kitang-kita sa mga aura nila ang labis labis na kaligayahan, ha!

Balitang hindi naman nakasama ni Bea Alonzo sa Taiwan ang boyfriend na si papa Zanjoe Marudo kaya solo flight din ang drama ng aktres.

Sa Japan naman nag-emote si Kim Chiu, gayundin si Kris Aquino at mga anak na sina Joshua at Bimby. Sa Italy naman nagpunta sina Nikki Gil at pamilya habang ang mag-asawang Jericho at Kim Rosales ay sa Australia nagbakasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending