XIAN hiyang-hiya habang nagho-host ng BB PILIPINAS

IN fairness, ang katatapos na 2012 Binibining Pilipinas grand coronation night na yata ang matatawag na pinaka-successful in terms of “box-office receipt” dahil literal na umapaw ang mga tao na nanood ng pageant sa Smart Araneta.

Mahigit isang dekada na kaming laging present sa mga coronation nights at ito ngang huling event ang masasabi naming box-office hit.

Lahat na yata ng mga tao from all walks of life ay nanood ng nasabing beauty contest and take note, rampahan din ang mga guests and visitors ng magagara nilang gowns and suits.

Ultimo ang mga celebrities na present  ay nasa isang tabi lang habang nanonood at sumusuporta gaya nina Matteo Gaidicelli at Bobby Yan na may mga sinusuportahang kandidata.

Bumandera din ang kabonggahan ng mga judges dahil lahat na yata ng mga diplomats, top celebrities at personalities ay napagsama para piliin ang “the best” na magre-represent ng bansa come Miss Universe, Miss International at Tourism International.
Though may mga hindi masaya sa naging resulta ng pageant dahil ibinase lang marahil nila sa napanood na question and answer portion ang lahat, sasabihin naming pasado naman sa world-class standards ang mga nagwaging sina Janine Tugonon bilang Bb. Pilipinas-Universe, Nicole Schmitz, Bb. Pilipinas-International at Katrina Jane Dimaranan, Bb. Pilipinas-Tourism.

Runners-up naman ang mga anak-anakan nating sina Elaine Kay Moll (1st) at Ali Forbes (2nd).

Iba talaga kapag ABS-CBN ang humawak ng event. May kakaiba kasi itonng glitter.

Naging hosts naman sina Iza Calzado, Georgina Wilson, Venus Raj at Xian Lim.

Nahiritan naman sila ng “sampol” habang naghihintay ng resulta ang audience.

Maganda ang timbre ng boses ni Venus, habang hindi naman nagpahuli si Georgina.

Kuwelang patawa ang ginawa ni Iza nang kantahin niya ang “Isang Linggong Pag-Ibig” kaya’t tawanan talaga ang crowd.

Hindi namin maintindihan kung bakit hiyang-hiya namang kumanta si Xian gayung isa naman siyang singer at may album pa nga?

Okay naman si Xian bilang host pero may kaunting “nganga” factor pa. Hindi naman minamasama ni Xian ang mga ganitong pagpuna.

“I can’t really please everyone. What all I can do is just enjoy what I’m doing and do what I love. If I’m enjoying, I’m sure other will enjoy din naman.

Kung hindi sila nag-enjoy, baka next time mag-enjoy naman sila,” aniya pa.

Read more...