GABBY nakabuntis uli, BABY BOY naman daw ang gusto

Wala raw talaga sa kanyang mga plano, pero…

Okay lang kay Gabby Concepcion kung girl ulit ang anak niya.

The original Regal baby returns with the Mother’s Day presentation ng Regal Films na “The Mommy Returns”.

Matagal-tagal na ring hindi nagko-comedy si Gabby and so he welcomes the project wholeheartedly. Directed by Joel Lamangan, he co-stars with Pokwang, Jillian Ward, Ms. Gloria Diaz, John Lapus, Kiray Celis, Gerald Pesigan, Yaya Moi, Hiro Magalona and Mercator boys Ervic Vijandre and Kerbie Zamora.

Napakaguwapo pa rin ni Gabby at mas lalong bumata.

Expectant father pala siyang muli sa kanyang wife, their first although 1999 pa sila nagpakasal.

Pinagplanuhan daw talaga nila na huwag munang magka-baby but this July, he will be a father once again. Kung dati ay may nakapag-interview sa kanya na sana raw ay lalaki na this time ang anak niya, okay lang pala kay Gabby kung another girl ulit ang magiging baby niya.

Puro kasi babae ang anak ni Gabby so kung maging babae ulit ang bunso niya, mas maganda raw dahil at least siya lang ang lalaki.

Mas maganda raw talaga kung babae dahil may mag-aalaga sa mga mommies nila.

Talagang hindi nila pinapa-ultrasound ang tiyan ng misis niya so they would be surprised kapag nanganak na ito.

But just in case na lalaki na ang anak niya, he has a favorite name noon pa, Gavin.

By the way, “The Mommy Returns” opens May 9 nationwide.

Read more...