Ni Leifbilly Begas
KUNG may proposal na si Superstar Nora Aunor ay gawing national artist, bakit hindi ang Star for All Season na si Vilma Santos na ngayon ay gubernador ng Batangas ay gawaran din ng nasabing prestihiyosong pagkilala?
Sinabi ni Quezon Rep. Erin Tanada na hindi nagkakalayo ang kalidad ng pagiging artista nina Aunor at Santos na parehong nanalo nang iba’t ibang award dahil sa kanilang pag-arte.
“Hindi naman mahihiwalay yan eh, nandyan si Nora, nandyan si Vilma Santos. They practically grew at the same time in front of TV and moviegoers at tingin ko both deserves such recognition,” ani Tanada.
Sinabi ni Tanada na handa siyang maghain ng resolusyon upang itulak ang pagiging national artist ni Santos.
“Pinapanood ng lahat ng ating mamayan so ako personal na naniniwala na she (Aunor) should be considered as a national artist, for that same manner Vilma Santos should be considered as one too.”
Ayon kay Tanada parehong mayroong naging kontribusyon ang dalawa sa entertainment industry ng bansa.
Nauna rito, inihain ni Bacolod Rep. Anthony Golez ang House Resolution 2317 upang himukin ang Cultural Center of the Philippines at National Commission for Culture and the Arts na irekomenda sa Malacanang na gawing national artist si Aunor.
READ NEXT
Star For All Seasons vs Superstar
MOST READ
LATEST STORIES