Patuloy sa paghataw sa ratings game ang super hit teleseryeng Forevermore sa Primetime Bida ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng sikat na sikat na ngayong loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano.
Bukod sa pagiging number one nito sa kanyang timeslot, tuwang-tuwa rin ang buong production ng Forevermore dahil napakalaki raw ng naitutulong nila sa paglago ng turismo sa Baguio at Benguet.
Nagiging favorite side trip na kasi ng mga turista roon ang location ng nasabing serye, ang sikat na sikat na ring Sitio Pungayan, na mas kilala nga ngayon sa tawag na Sitio La Presa.
Kahit may kalayuan ang nasabing lugar sa Baguio City, ay talagang sinasadya ito ng mga turista. Ayaw daw kasi nilang palampasin ang pagkakataon na makadalaw at makapagpa-picture sa Sitio La Presa kasama sina Enrique at Liza.
“Nakakatuwa kasi sabi nila nakakatulong daw kami sa tourism dito sa Baguio. Nakakapagpasaya na kami ng manonood, nakakatulong pa kami sa local government ng Benguet, kaya ang sarap ng feeling,” sabi ni Liza.
Napapanood pa rin ang Forevermore sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng Dream Dad. Kasama rin dito sina Zoren Legaspi, Joey Marquez, Lilet at marami pang iba, directed by Cathy Molina.