‘Wish ko sa 2015 magkabati na sina Kuya Boy ay Nanay Cristy!’

boy abunda
Mamayang gabi ay naka-board pa rin kami sa “Mismo” program namin sa DZMM until 11 p.m.. Mabuti na lang at malapit lang ang house namin sa ABS-CBN dahil right after ng show ay makakauwi ako agad para sa Media Noche.

Takot pa naman ako sa matinding putukan sa kalye.  I have a few wishes in my heart sa incoming year pero akin na lang muna, tsaka ko na lang isi-share sa iyo pag okay na lahat. Magbabawas lang ako ng stress.

Gusto ko ring maging matagumpay ang mga mahal ko sa buhay – maliban sa maayos na estado ng pamilya ko lalo na ang anak kong si Carlo Brian Sucaldito at apong si Toxin Divino na siyang mga lights of my life sa bahay.

Gusto ko lahat ng members ng family ko ay maayos na this 2015. Yung super-ayos, ha. Pagod na rin kasi ako sa kaiintindi. Ha-hahaha!

Pangarap ko ring maging mas matagumpay ang mga love ko sa loob ng industry na ito lalong-lalo na sa co-anchor kong si Papa Ahwel Paz gayundin and palaging nagpi-pinchhit sa aming si Papa Ambet Nabus na sobrang mahal kami ni Papa Ah. He is our savior.

Siyempre, wish ko ang pagbabati nina Kuya Boy Abunda and Nay Cristy Fermin na parehong malapit sa puso ko. Gusto kong maging successful pa ang tatlong Panggas kong sina Luke Mejares, Jimmy Bondoc and Duncan Ramos.

Gusto kong bumongga lalo ang career nina Patrick Garcia, Carlo Aquino, Papa Aljur Abrenica, Jodi Santamaria. Kay Nay Jojit de Nero, alam mo na kung gaano ko ipinagdarasal na lalong gumanda ang health at career mo para lalo mong maalagaan si Richard Pinlac. Ha-hahaha!

Sa mga mahal ko (you know who you are lalo na sa top 3. Ha-hahaha), chill-chill lang. Tuloy pa rin ang ligaya natin. Walang iwanan, OK?

To everyone, happy new year. Ingat sa mga paputok.  Mwah!

Read more...