Horoscope, December 31, 2014 | Bandera

Horoscope, December 31, 2014

Madam Sophia |December 31,2014
facebook
share this

Horoscope, December 31, 2014

Madam Sophia - December 31, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa huling araw na ito ng taon marapat lamang na paligayahin ang sarili. Bilin ang isang bagay na nuon mo pa pangarap na magkaroon. Sa pag-ibig, wag ng magdalawang isip sunggaban agad ang kasuyong mahilig. Mapalad ang 1, 7, 19, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Padhani-Om.” Green at violet ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa 2015 malaking sopresa ang darating na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Sa pinansyal  malaking halaga ng pera ang matatanggap. Sa pag-ibig, masarap na romansa ang malalasap mula sa isang kaibigang matagal ng sa iyo ay may lihim na pagtingin. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Silver  at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Tuloy ang pasok ng maraming pera, ipriority ang pagse-savings. Sa pag-ibig kunin ang atensyon ng minamahal, kantahan siya o kaya’y sayawan habang unti-unti ng lumilisan ang taong 2014.  Sa ganyang paraan higit na mas magiging mapalad ang 2015. Mapalad ang 3, 12, 22, 27, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kaliguya-Devah-Om.”  Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Ngayon na ang panahon upang magpayaman. Yayain ang kasuyo na magnegosyo ng mga bagay na may kaugnayan sa transportasyon at modernong kumunikasyon. Mapalad ang 7, 14, 23, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vasudeva-Vedanta-Om.” Orange at maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Salubungin ang Bagong Taono sa pagsisipag. Kailangang magpakasipag upang  yumaman. Sa pag-ibig kapag mayamang-mayaman na kayo, mangyayari na ang pangarap nyo ng iyong kasuyo na mamasyal sa ibang bansa. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Dosya-Gosvami-Om.” Silver at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Bagong taon na mamaya, magsuot ng bilog-bilog na damit at maghain sa mesa ng bilog-bilog na prutas. Sa ganyang paraan, mas maraming suwerte ang darating at mas higit na magiging masagana at maligaya ang taong 2015. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Jivana-Om-Narayana.” Red at green ang buenas.

 Virgo – (August 23 – September 22)— Pagpasok ng pagpasok ng 2015 lumabas kang lagi ng bahay, malaking halaga ng salapi ang iyong makukuha sa pakikihalubilo sa lipunan. Sa pag-ibig sa labas din ng bahay mapupulot ang “true love.” Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Jivana-Om-Narayana.” Orange at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Sa 2015 magdidikit sa isang Gemini, malaki ang maitutulong nya upang lalo ka pang umunlad at sa pakikipag-relasyon isang Gemini din ang sa iyo ay magpapaligaya. Mapalad ang 1, 7, 19, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Valah-Siddhi-Mantra.” Yellow at gray ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag ng magpa-putok ng malalakas na firecrackers sa halip makinig na lang ng musika. Sa ganyang paraan, mamayamang gabi habang sinasalubong ang Bagong Taon, masiiwasan ang disgrasya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang  buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa 2015 magpatangay lang sa gusto ng lipunan, upang mas maraming salapi ang kitain. Sa pag-ibig, imbis na kontrahin ang kasuyo, sumang-ayon sa kanya, upang maiwasan ang pagtatalo. Mapalad ang 4, 16, 22, 31, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Peach at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa 2015 iwasang magyabang upang hindi maantala ang malaking halaga ng salapi na nakatakdang dumating. Tandaan ang “secret” ng pagyaman, “hindi dapat ipagsabi na marami ka ng pera.”  Sa pag-ibig, sarilinin na lang ang relasyong bawal. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Beige at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa 2015, habang lubos at wagas ang pag-ibig sa kasuyong Gemini pauloy ding dadami at lalago ang kabuhayan. Kung natutukso ka mang magtaksil, wag mo munang gawin, hangga’t hindi pa kayo mayamang mayaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Jivana-Om-Narayana.” Orange at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa 2015 wag pahirapan ang sarili. Sabihin ang tunay na nadarama. Sa paglalahad ng totoong damdamin, mas madali kang liligaya at pagpapalain. Sa pag-ibig, wag kimkimin ang inis sa kasuyong walang kuwenta. Mapalad ang 2, 11, 31, 36, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sutra-Vasudeva-Om.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending