Horoscope, December 30, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa pagpasok ng taong 201, matutong magpasalamat sa biyayang natatangap. Sa pag-ibig, bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansiyal, iwasang maging lustay konting tipid pa ang dapat. Mapalad ang 3, 18, 21, 33, 39 at 45, Mahiwaga mong mantra: “Om-Mani-Padme-Hum”. Pink at lilac ang buenas na kulay.

Aries – (Marso 21-April 19)—Magiging masagana ang 215, magbubukas ng bagong dagdag na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, mas mainit na romansa ang mararanasan mula sa kasuyong Leo na hindi parin nagsasawa sa iyong kagandahan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Kulang ka sa “libido” kaya mabagal ang pag-unlad. Sa 2015, dagdag na ehersiyo at pagkain ng gulay at prutas ang dapat upang umangat ang enerhiya. Sa pag-ibig, ipagluto ng masarap na ulam ang kasuyo upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 33, 39, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa 2015 habang kilos ng kilos, patuloy ang pag-lago at pag-dami ng pera. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magse-selyo ng taon. Mapalad ang 4, 14, 23, 31, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Gold at  pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Magtiwala sa kasuyo, sa 2015 makaka-tisod din siya ng malaking suwerte. Sa pinansiyal, kung hindi ka magiipon, sino pa ang maaasahan para sa future?  Sa pag-ibig magpaparamdam at biglang mag te-text ang dating minamahal. Mapalad ang 5, 14, 22, 37, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Radya-Neshaya-Om.” Blue at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa 2015 darating na ang pinakahihitay. May mabungang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran. Sa pag-ibig, matutugunan na rin ng kapwa pag-ibig ang pag-ibig na matagal ng inililihim sa isang Aries. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 38, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Lilac at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa 2015  kung lagi kang may kaaway at palagi kang komokontra paano papasok ang maraming pera? Panatiliin ang pagiging mahinahon. Sa pag-ibig, hayaang ang ideya ng kasuyo ang siyang masunod. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Dosha-Om.” Violet at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa isang hindi inasahang pangyayari nakakikilig na relasyon ang kasunod. a pinansiyal sa tulong ng isang kaibigang Taurus dagdag na kita ang matatangap. Mapalad ang 9, 18, 26, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Gold at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—May magte-text, may magandang balitang matatanggap. May mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig ito ang araw na laan sa iyo upang gawin ang pinaka-masarap, puntahan na ang kasuyo! Mapalad ang 4, 18, 33, 42, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Wagiswari-Padme-Om”. Violet at beige ang buenas.

 Sagittarius – (November 22 – December 21)—Dagdag na pahinga ang kailangan upang magbalik ang dating sigla. Umuwi muna sa probinsiya upang magninilaynilay at mag-relaks. Sa pag-ibig, laging isama ang kasuyo saanman mag-punta. Mapalad ang 2, 10, 28, 34, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Miraculum-Om.” Green at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Matapos ang maraming hirap na pinagdaanan may malaking sopresang darating. Sa pag-ibig, isang bongang-bonggang romansa ang naghihintay sa pagpasok ng 2015. Sa pinansiyal, ituloy ang iniisip na negosyo kahit maraming komokontra. Mapalad ang 2, 16, 20, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Namo-Loes-Sawa-Om”. White at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag maging mapagkunwari! Sa negosyo, laging maging tapat sa kausap upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, tigilan na ang panlilinlang sa kasuyong uto-uto. Mapalad ang 1, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Green at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Huwag ipagpalagay na malayo ka sa nais mong marating. Sa 2015 hindi mo mamamalayan abot-kamay mo na ang tagumpay. Sa pag-ibig, hinihintay ka ng kasuyo wag ng magdalawang isip pa- puntahan mo na siya – ngayon. Mapalad ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Read more...