Wedding gown palang ni Marian P2-M na

dingdong dantes

MAHIGIT isang oras na lang ay magaganap na ang tinaguriang “Royal Wedding” nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.Pero mukhang hindi nga nakatulog nang maayos ang GMA Primetime Queen bago ang kasal nila ni Dingdong ngayong alas-3 ng hapon.

Base sa mga nakita naming litrato sa Instagram, medyo late na nang matapos ang wedding rehearsal nina Marian at Dingdong kasama ang kanilang wedding planner na si Teena Barretto. Bukod dito, nakipag-bonding pa ang Kapuso actress sa kanyang mga bridesmaid after ng rehearsal.

Marami ring kinilig na DongYan fans nang makita ang IG photo ng dalawa – exchanging their last kiss before they become Mr. and Mrs. Dantes.
Bago ito, nakipag-bonding din si Marian sa kanyang tatay na si Francisco Javier Gracia na nagtungo lang sa Pilipinas mula sa Spain para makadalo sa kasal ng anak kay Dingdong.
Nakilala rin ng kanyang maids-of-honor na sina Roxanne Barcelo, Ana Feleo, at Joylyn Santos (kasama ang kaibigan niyang TV host-comedian na si Boobay) ang kanyang tatay.
Samantala, ilang kalsada naman sa Quezon City, partikular na sa Cubao ang pansamantalang isinara para sa kasalang Marian at Dingdong. Binigyan din ng QC government ng sapat na seguridad ang palibot ng Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, lalo pa’t dadalo rin ang Pangulong Noynoy Aquino sa kasal bilang Witness of Honor.
Nagtayo rin ng bleachers sa labas ng simbahan at naglagay din ang organizers ng wedding ng isang wide screen para mapanood ng fans nina Marian at Dingdong ang mga kaganapan sa loob ng simbahan.
Ang Dubai-based fashion designer na si Michael Cinco ang gumawa ng wedding gown ng bride. Gawa raw ito sa French lace (in ecru) na binurdahan ng Swarovski crystals. Ayon sa ulat, umabot sa P2 million ang halaga ng trahe de boda ni Marian.
Magsusuot din ang bride ng “mother of pearl crown” na ginawa rin ni Michael Cinco na nagmula pa sa Lebanon, with matching “veil of scalloped tulle and lace”.
Si Randy Ortiz naman ang gumawa ng wedding suit ni Dingdong.  Sa SM MOA Arena naman magaganap ang reception.

Read more...