Vice: Namatay na si Santa Claus nu’ng Pasko!

vice ganda
KUNG inaakala ng marami na mabilis naka-move on si Vice Ganda sa pagkamatay ng kanyang lolo Gonzalo Dacumos, nagkakamali raw kayo.

Marami kasi ang nakapansin na parang hindi raw marunong magluksa ang TV host-comedian dahil hindi pa nga raw naililibing ang kanyang yumaong lolo ay tawa pa raw ito nang tawa at tuloy lang sa trabaho.

Ang hindi nila alam, pinipilit lang ni Vice na maging matapang para hindi siya masyadong malungkot. Siguradong hindi rin daw kasi magugustuhan ng kanyang lolo Gonzalo kung magkukulong siya sa kwarto at mag-iiiyak kaya mas pinili na lang niya ang patuloy na magpasaya sa madlang pipol.

Na-cremate na noong Linggo ang mga labi ng lolo ni Vice, pero noong Sabado, ang huling gabi ng lamay ni lolo Gonzalo, hindi na nakayanan ni Vice ang kanyang emosyon, talagang napahagulgol na siya habang nagbibigay ng mensahe sa lahat ng mga nakiramay sa kanilang pamilya.

“Nakakatuwa nga kasi bago siya umalis, he made sure I was number one this year sa MMFF. Nanood muna siya bago siya umalis. Namatay siya after ng last full show.

Mahal na mahal ako niyan. Siya lang ang nagmamahal sa akin ng totoo na hindi ko pagdududahan,” lumuluhang pahayag ni Vice. Habangbuhay daw siyang magpapasalamat sa kanyang lolo dahil hindi siya nito iniwan noong umalis ang kanyang ina patungong ibang bansa.

Ito rin daw ang kinilala niyang Santa Claus ng buhay niya mula pa noong bata siya. “I am so sad right now because Santa died on Christmas Day.

“Hindi ko alam kung naririnig niyo pa ako or nakikita niyo pa ako. Kung naririnig at nakikita niyo pa ako, ibig sabihin nakakakita kayo ng multo kasi hindi ko alam kung buhay pa ako ngayon.

Hindi ako sigurado. Paano ako magiging buhay, patay na ‘yung puso ko? Ang alam lang ng utak ko, patay na ‘yung lolo ko,” ani Vice. Samantala, noong Linggo naman sa Gandang Gabi Vice, hinulaan si Vice na hindi magiging maganda ang lovelife niya sa 2015, malas daw ang Year of the Sheep para sa kanya kung pag-ibig ang pag-uusapan.

Sabi ng manghuhula, sa 2016 babawi ang TV host-comedian dahil may dalawang lalaki raw ang darating sa buhay niya – isang Pinoy at isang foreigner.

Read more...