Dj Mo pinagmumura ng bashers, pati walang muwang na anak idinamay

dj mo
Pinagmumura at halos isumpa ng ilang netizens ang radio jock na si Mo Twister. Ito’y may kinalaman pa rin sa ipinost niyang Christmas wishes para sa ilang kilalang celebrities and politicians sa bansa.

Kamakailan, lumabas dito sa BANDERA ang mga nakakalolang tweet nu DJ Mo, narito ang ilan. “Merry Xmas Juan Ponce Enrile. I’m sure in your 90yrs you’ve had some expensive & amazing Xmas’. But this year, your a– is in jail. I Smile.”

“Merry Xmas Bong Revilla. My wish is that outside of ur jail cell theres a mistletoe hanging w/ hot chicks underneath & you can’t touch them.” “Merry Xmas Jinggoy Estrada. I hope your douchebag kids get food poisoning today.”

Niresbakan nga ng mga supporters ng mga nabanggit na personalidad ang dating boyfriend ni Rhian Ramos. As in pinagmumura nila ito nang walang patumangga.

Napakabastos daw nito at talaang walang takot sa Diyos. Meron pa ngang nagsabi na sana raw ay kunin na si Mo ni Lord para matapos na ang ginagawa nitong kabalbalan sa mundo.

May isa pa nga na idinamay pa ang anak nito na nasa Amerika.Hinamon pa nila ito na umuwi na ng Pilipinas at dito siya maghasik ng lagim para pagtapak pa lang niya sa airport ay diretso kulungan na siya dahil nga sa mga kasong isinampa sa kanya ni Rhian.

Akala mo raw kung sinong malinis, e, wala rin naman daw siyang ipinagkaiba sa mga politikong corrupt dito sa Pilipinas.

Read more...