James, Nadine susugod sa Sulong Manila 2015 Countdown

nadine samonte
MAS makulay at mas magniningning ang gagawing pasabog ng Sulong Manila 2015 Countdown sabisperas ng Bagong Taon, Dec. 31, sa pagdalo ng ilan sa mga sikat na celebrities sa bansa, sa pangunguna ng hottest teen sensations na sina James Reid at Nadine Lustre.

Dadalo rin sa malaking okasyon si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, na siyang pipindot sa plunger na sisimbolo sa pagbubukas ng kauna-unahan at pinaka-engradeng 3-D video mapping pyro/laser lights show na gaganapin sa pagitan ng Manila DiamondHotel at Ramon Magsaysay Building sa Roxas Boulevard.

Ang Sulong Manila 2015 Countdown ay kasing-bongga ng mga sikat na countdown sa mundo gaya ng sa Times Square, NewYork at The Eye sa London. Ito ay proyekto ng Mare Foundation, na pinangungunahan ni dating Sen. Loi Ejercito.

Bukod kina James at Nadine, kasama rin sa listahan ng mga sikat na showbiz personalities na makikisaya sa Sulong Manila 2015 Countdown sina Julian Estrada, Giselle Sanchez, Arnell Ignacio, Rivermaya, Kenyo, DJ Tom Taus, DJ Gavin Skewes, DJ Dan Torres at ang DAMAS Children’s Choir.

Ang Sulong Manila 2015 ay hatid samga taga-Maynila ng ICTSI, Manila North Harbor, Smart at Emperador Light.

Read more...